Sunday , November 24 2024

News

Randomized testing sa mga empleyado – DepEd (Giit ng UP OCTA Researh Team)

PAG-AARALAN pa ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng UP OCTA Research Team na magkaroon ng randomized testing sa mga empleyadong araw-araw pumapasok sa trabaho kahit nasa gitna ng pandemyang COVID-19 ang bansa.   Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ngayon ay limitado ang resources kaya hindi pa tiyak na kakayanin ng sistema ang nasabing rekomendasyon.   “Iyong …

Read More »

27-anyos Lady Chinese detenido sa panggugulo  

arrest prison

KALABOSO ang 27-anyos babaeng Chinese national makaraang magwala sa gitna ng kalye at manakit ng biker, traffic enforcers, at nandura pa ng isang guwardiya, sa Makati City, nitong Martes ng hapon.   Nahaharap sa reklamong physical injury at disobedience ang suspek na kinilalang si Dong Li, 27, nanunuluyan sa isang condo sa Bel-Air, Makati City.   Nagreklamo ang isa sa …

Read More »

QC Mayor Belmonte hindi nagsising positibo sa COVID 

Quezon City QC Joy Belmonte

INIHAYAG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang  pakikisalamuha sa kaniyang ‘constituents’ ang dahilan kung bakit siya naging COVID-positive subalit hindi umano niya ito pinagsisisihan.   Inamin ni Belmonte na siya ay positibo sa virus sa pamamagitan ng facebook page ng QC Government.   Ayon kay Belmonte sinunod niya lahat ng ‘protocols’ ng Department of Health (DOH) ngunit hindi pa …

Read More »

COVID survivor Howie Severino inaresto sa hubad na face mask

KABILANG ang reporter ng GMA news na si Howie Severino sa libo-libong mga lumabag sa ‘quarantine protocols’ ang naaresto sa isinagawang operasyon  ng Quezon City Police District (QCPD)  at QC Task Force Disiplina nitong Miyerkoles.   Sa isinagawang operasyon, kasama si Severino sa mahigit sa 2,000 libong residente na inaresto dahil hindi nakasuot ng face mask at ang iba naman …

Read More »

Hustisya para kay Senados mahigpit na utos ni Mayor Isko

  “LEAVE no stone unturned in bringing to justice the suspect or suspects in the gruesome murder of Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados.”   Ito ang seryosong direktiba ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District (MPD) makaraang kondenahin ang naganap na pamamaslang kay Senados.   Nagpahayag din ng pakikiramay sa mga naulila ng biktima ang alkalde. …

Read More »

Digong magic ‘kinakapos’ sa late night public address (Ang totoong datos at kalagayan ay hindi mapanlinlang na pahayag — Binay)

PINAYOHAN ni Senadora Nancy Binay ang communications group ni Pangulong Rodrigo Duterte na masusing pag-aralaan ang late night public address ng Pangulo. Ayon kay Binay, tila hindi yata ganap na naipararating sa publiko ang tunay na plano ng Palasyo at kalagayan ng ating bansa laban sa pandemyang COVID 19. Naniniwala si Binay, tutal naman ay ‘taped’ at hindi ‘live’ ang …

Read More »

Duterte sa leftist at communist groups: Terorista kayo!

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Anti-Terrorism Law ay kanyang nilagdaan para maging legal na armas laban sa mga makakaliwa at komunistang grupo. Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa pagtatwa ng ilang miyembro ng kanyang gabinete na walang dapat ikatakot ang mga leftist at mga komunista dahil hindi para sa kanila ang kontrobersiyal na Republic Act 11479 o …

Read More »

5 EAMH frontliners, huli sa droga sa basement ng ospital

LIMANG frontliners ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makompiskahan ng shabu sa basement ng ospital, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang mga suspek ay kinilalang sina Emmanuel Leongson, 45, nurse attendant, residente sa July Extension, Barangay Bahay Toro, Quezon City; Guardo Hermino, …

Read More »

Meralco ‘overpriced’ estimated bills isauli — ERC

IPINABABALIK ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) at ibang distribution utilities ang binayarang “estimated bill” ng mga konsumer noong mga buwan ng Marso, Abril at Mayo. Maglalabas ng utos ang komisyon sa Meralco at ibang distribution utilities na ibalik ang perang ibinayad ng mga konsumer at mag-isyu ng tamang billing, ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera. …

Read More »

Chief inquest prosecutor ng Maynila patay sa ambush

PATAY agad ang chief inquest prosecutor ng lungsod ng Maynila makaraang tambangan ng hindi kilalang grupo ng gunmen, lulan ng isang kulay itim na sport utility vehicle (SUV) sa panulukan ng Qurino Highway at Anakbayan St., Paco, Maynila.   Ayon sa ulat ng Manila Police District – Ermita Station (MPD-PS5), hindi na naisugod pa sa pagamutan ang fiscal dahil sa …

Read More »

Palasyo sumuko sa gera vs Covid (Ipinasa kay ‘Juan dela Cruz’)

DUMISTANSIYA na ang Palasyo sa obligasyon na sugpuin ang pandemyang coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas at ipinauubaya na sa mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan ang responsibilidad na mapabagal ang pagkalat ng sakit. Sa virtual press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dahil wala nang ayudang maibibigay ang national government kaya mas malaki na ang responsibilidad ng …

Read More »

Emotional, mental health ng pangulo apektado ng ‘rubout

AMINADO ang Palasyo na labis na ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “rubout” sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu kaya matamlay at tila apektado ang kanyang mental health nang humarap sa mga military sa Zamboanga City noong nakaraang Biyernes. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi isyu ng pisikal na kalusugan ang sanhi ng panlulumo ng Pangulo at panginginig …

Read More »

Meralco bill ‘overpriced’ (Dahil sa ‘anti-consumer billing process’)

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na dapat pag-aralan ng gobyerno ang pagsasampa ng kaso laban sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa hindi maayos at nakababalisang ‘billing charges.’ Sa pagdinig ng Senate Energy Committee na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Hontiveros na ang kanyang posisyon ay base sa ‘anti- consumer billing process’ ng Meralco na kanilang ikinasa sa …

Read More »

1 patay, 9 arestado sa search warrant

dead gun

TODAS ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay habang arestado ang live-in partner nito at walong iba pa kabilang ang isang menor-de edad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Patay na nang idating sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) ang biktimang kinilalalang si Michael Franco, 48 anyos, residente …

Read More »

Kelot, kulong (Tumira ng bisikleta)

SA KULUNGAN bumagsak ng isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si Timothy Dangan, 24 anyos, tambay, residente sa Fortune St., Barangay Palasan, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong robbery. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 am, nang maganap ang pagnanakaw ng bisikleta sa harap ng bahay …

Read More »

Petisyon vs anti-terror law pinaghahandaan ni Sen. Kiko

kiko pangilinan

INIHAHANDA ni Sen. Francis Pangilinan ang kanyang ihahain na petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Law, partikular ang probisyon nito hinggil sa warrantless arrest. Una rito, naghain ng petition sa Korte Suprema ang isang grupo sa pangunguna ni Ateneo at De La Salle law professor at lecturer Howard Calleja para kuwestiyonin ang constitutionality ng RA 11479, o ang …

Read More »

DFA-OCA sarado ngayon

INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang sarado ang Office of Consular Affairs (OCA) na matatagpuan sa Aseana, Parañaque City, at ng kanyang Consular Office sa NCR South (Metro Alabang Town Center ngayong Lunes, 6 Hulyo. Ang temporary closure ay para bigyang daan ang disinfection ng mga opisina at implementasyon ng iba pang mga hakbang upang …

Read More »

DOH maglalabas ng mas maaga at maayos na resulta ng COVID-19 cases

NAGPALIWANAG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa record-breaking na kaso ng COVID-19 cases na naitala sa Filipinas nitong 3 Hulyo. Sa inilabas na datos ng DOH,  nadagdagan ng 1,531 katao ang nahawa ng COVID-19 sa bansa dahilan upang pumalo sa 40,336 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases. Ayon sa kalihim, dahil daw ito sa pagbabago …

Read More »

Curfew hours sa Kankaloo pinaikli na

Caloocan City

INAPROBAHAN ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang ordinansa na nagpapaikli sa ipinatutupad na curfew hours sa lungsod habang patuloy na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod ng pan­demyang COVID-19. Alinsunod sa Ordinance No. 0876 na isinulong nina Councilors Enteng Malapitan at Rose Mercado na sinang-ayunan ng iba pang konsehal ng lungsod, ang bagong curfew hours ay …

Read More »

Bebot pinulutan ng katagay

harassed hold hand rape

ARESTADO ang isang maintenance service worker nang pagsaman­talahan ang isang 22-anyos na babae na kanyang nakainuman sa Malate, Maynila. Kinilala ang suspek na si Francis Martin, 34, may live-in partner, residente sa Blk 56 Lot 9, Mabuhay Homes Phase 2E, Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna. Sa ulat, nangyari ang panghahalay sa loob ng Unit No. 1102 Imperial Tower Condominium, A. …

Read More »

Kilabot na illegal drug group leader nalambat

shabu drug arrest

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang tricycle driver, na itinuturong lider ng isang notoryus na grupong nagtutulak ng ilegal na droga drug, sa isang buy bust operation sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naaresto na si Alexander Morales, alyas …

Read More »

Kinatawan sa BARMM iginiit ni Alonto

BARMM

NANAWAGAN si Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Zia Alonto Adiong kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng kina­tawan ng Bangsamoro sa bubuuing Anti-Terrorism Council (ATC) na magpapa­tupad ng Anti-Terrorism Act (ATA). Dapat aniya ay may kinatawan ang BARMM sa ATC para maipa­liwanag ang konteksto ng terrorism on the ground. Sabi ni Adiong, hindi kinonsulta ang BARMM …

Read More »

‘Destabilizer’ lagot sa Anti-Terrorism Act

KABILANG sa mga delikado sa Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) ang mga mahilig magpakana ng pang-aagaw sa kapang­yarihan dahil saklaw ng krimeng terorismo ang seryosong pagsusulong ng destabilisasyon laban sa pamahalaan at may parusang habambuhay na pagkabilanggo. “It is also clear that any terroristic act mentioned in Section 4 must be done ‘to intimidate the general public or a …

Read More »