Friday , June 2 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Comm. Jaime Morente magpapaalam na sa BI?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MULI na namang umugong sa ika-apat na pagkakataon ang napipintong pagbibitiw umano sa puwesto ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.

Huh?!

Na naman?!

Ayon sa ilang reliable source sa Malacañang, humingi na raw ng basbas si Morente kay Pangulong Duterte upang magpaalam  dahil may plano raw itong tumakbo sa kongreso sa darating na eleksiyon.

Naks naman…

Madali nga naman tumakbo lalo na kung may sapat na pondo ka na, pero ang tanong, manalo naman kaya?

       Hehehe…

September raw ang target date ng resignation nitong si Komisyoner para makapaghanda sa filing of candidacy sa October.

Huwaw!

Congrats in advance, Bossing!

Maaaring ang iba ay magulat ngunit, e ano nga naman kung gusto naman ni Morente na magsilbi sa kanyang distrito sa Davao?

Tama ba ko Pulpol Panotsky at Rae Saltik?!

Isa pa, alam naman ng lahat kung gaano kabagyo si Komisyoner kay Tatay Digonyo ‘este’ Digong n’yo.

Kaya hindi malayo na makuha ni Komisyones ang blessing niya.

Siya naman ay more than qualified din dahil sa haba ng kanyang experience at serbisyo sa public service.

May isang bagay pa tayong narinig at gusto sana natin kompirmahin.

Gaano kaya katotoo ang ibinulong sa atin na isang ‘Atty. Greg’ daw ang inirekomenda at gustong ipalit ni Commissioner Bong Morente sa kanya?

Ang Atty. Greg ba na ito ay si Atty. Gregorio Sadiasa na tumatayo ngayong kanyang Chief of Staff?

Well, well, well!

Hindi naman sa pinangungunahan natin sila, pero hindi kaya isipin ng mga tao na lalabas na ‘dummy’ or ‘figure head’ lang ni Comm. Morente, et al si Atty. Sadiasa kung sakali?

Nagtatanong lang po tayo!

Ano kayang masasabi ni OCOM ‘Boy Sago’ at ‘Diyes tara; tungkol dito?

Let’s wait and see!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *