Saturday , November 8 2025
Joe Biden Duterte
Joe Biden Duterte

Himok ng US Democrats solons kay Biden:
PH Duterte kondenahin vs HR violations

IPINAGKIBIT-BALIKAT ng Palasyo ang panawagan ng 11 US Democrat senators kay US President Joe Biden na kondenahin sa pinakamataas na antas ang patuloy na “pattern of human rights abuses” sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Bahala na sila,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa usapin.

Ipinauubaya ni Roque kay Biden ang pagsagot sa  panawagan ng mga Amerikanong senador.

“We leave that decision to President Joe Biden. Amerikano po ‘yan. In that same way na ayaw nating may nanghihimasok sa gawain ng Kongreso ng Filipinas, hindi natin sila panghihimasukan,” aniya.

“‘Yan naman ay personal na mga pananaw ng mga senador na Amerikano. Bahala na sila kung anong gagawin nila,” giit ni Roque.

Sa liham na ipinadala kay US Secretary of State Antony Blinken, tinuran ng mga senador ang pagkabahala sa human rights situation sa Filipinas at kinuwestiyon ang patakaran ng administrasyong Biden sa Filipinas at sa gobyernong Duterte.

Ang mga senador na umalma sa human rights situation sa bansa ay pinangunahan ni Senator Ed Markey, chairman ng US Senate Foreign Relations Subcommittee on East Asia and the Pacific.

Ipinunto niya, ang pagpapanatili ng bilateral relationship sa isang mahigpit na kaalyado gaya ng Filipinas ay dapat nakabatay sa “shared values” gaya ng “protection of human rights, including freedom of speech, freedom of the press, and vibrant democratic governance.” (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SOCiALiSTA

Gobyernong corrupt ipinabubuwag pamahalaang masa hinikayat itatag

MAHIGIT 300 militanteng manggagawa na pinangungunahan ng Kilusang Manggagawang Socialista (SOCiALiSTA) ang nagsagawa ngayong umaga …

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …