Friday , March 28 2025
shabu

P1.7-M shabu kompiskado sa 2 kelot

NAKOMPISKA ng mga pulis ang P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang lalaki sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Taguig City Police Station, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Barangay Lower Bicutan, ng lungsod, nitong Lunes.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang mga suspek na sina Reggie Pariño, alyas Reymark; at Jerry Adriano.

Nahuli ng mga operatiba ang mga suspek nang makipagkita sa Tatay Berting’s Special Pancit Food House, sa Manuel L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City, dakong 2:00 pm nitong Lunes.

Dinakip ang mga suspek nang magpalitan ng pera at ilegal na droga sa nasabing karinderya.

Nasamsam ang nasa 326 pirasong P1,000 boodle money at isang genuine buy bust money at 250 gramo ng shabu.

Pinuri ni NCRPO Chief ang matagumpay na operasyon ng Special Operations Unit-4A  ng NCRPO, PDEG, Station Drug Enforcement Unit ng Taguig CPS, at PDEA.

“Binabati ko po ang ating mga kasama sa matagumpay na pagkakahuli sa dalawang tulak at pagsabat sa malaking halaga ng ilegal na droga sa Taguig. Ang sunod-sunod po nating matagumpay na mga operasyon ay nagpapatunay, sa kabila ng umiiral na pandemya ay hindi tumitigil ang NCRPO sa pagbibigay ng serbisyong tama,” pahayag ni Danao. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Casino Plus Grand Jackpot Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

Casino Plus Grand Jackpot: Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

NASUNGKIT ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

SWS ranking ng TRABAHO, lalong tumaas ng puwesto

SWS ranking ng TRABAHO, lalong tumaas ng puwesto

MAS lalo pang gumanda ang puwesto ng TRABAHO Partylist sa pinakahuling survey ng Social Weather …

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

OUT of 156 partylists na nagnanais makakuha ng posisyon sa kongreso, namumukod tangi ang adbokasiya …

JESUS IS OUR SHIELD 32nd anniv

Sa kanilang ika-32 taon ng pagkakatatag  
JESUS IS OUR SHIELD MAGDIRIWANG “HIMALA” SENTRO NG ANIBERSARYO

NAKATAKDANG ipagdiwang ng Jesus Is Our Shield ang kanilang ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag simula noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *