Saturday , October 23 2021

Tulak todas sa enkuwentro
10 drug suspects nasakote

BINAWIAN ng buhay ang isang tulak samantalang nadakip ang 10 pang personalidad sa droga sa pagpapatuloy ng opera­syon ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang napatay na suspek na si Tony Cabas, residente sa Brgy. Addition Hills, lungsod ng Man­daluyong.

Napag-alaman ang mga operatiba ng SOU3 PNP-DEG, sa pakikipag-ugnayan sa Marilao Municipal Police Station (MPS), ay nagkasa ng  buybust operation sa Brgy. Sta. Rosa 2, Marilao, na nagresulta sa enkuwentro at pagkakapaslang kay Tony Cabas.

Narekober mula sa napatay na suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 50 gramo, isang large-sized ng selyadong plastic bag ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 500 gramo; baril at mga bala, at isang sobreng na naglalaman ng boodle money.

Kasunod nito, pinag­dadampot rin ang 10 pang drug suspects na kinilalang sina Jomar Sayo alyas Oma; Jerry Guinto, Jr. alyas Akira; Christian Se; Christian Paulo Cruz; Christian Peter Cruz; Arnold Borile; Xarex Sarmiento; Jake Rodriguez; Princess Morado; at Crisan­to Alba, sa serye ng mga anti-illegal drugs operations ng Balagtas, Marilao, Meycauayan, Pulilan at San Miguel police stations.

Nasamsam sa mga suspek ang 45 pakete ng hinihinalang shabu at buybust money.

 (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

SM Megamall Mandaluyong Menchie Abalos COVID-19 vaccine A3.1 category minors kids

SM SUPERMALLS OPENS PEDIATRIC VACCINATION CENTER IN MANDALUYONG
Phase 2 of A3.1 vaccination program starts rolling out in 17 more locations in PH

WHEN the news broke out that children with comorbidities can get vaccinated, Paul Vincent Lim …

PH ayaw pasukin ng investors dahil sa super mahal na koryente — Solon

MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, …

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

Leave a Reply