Tuesday , July 8 2025
Sabong manok

4 kelot na ‘adik’ sa tupada tiklo

APAT na ‘haling’ sa tupada ang nahuli ng mga awtoridad  makaraang salakayin ang isang ilegal na tupadahan sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang mga naarestong sina Johnny Banal, 55, Noli Esquilona, 44, Ryan Capoquian, 30, at Ernesto Domingo, 68, pawang residente sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Julius Mabasa, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa gilid ng ilog sa Brgy. 35 Maypajo, Dagat-Dagatan.

        Bumuo ng team ang mga operatiba ng NPD sa pangunguna ni P/Lt. Glenn Mark De Villa, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Vicky Tamayo saka pinuntahan ang naturang lugar dakong 5:30 pm.

        Pagdating sa lugar, naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na nagtutupada, dahilan upang arestohin ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P1,500 bet money. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Oreta seremonyal na nanumpa bilang kinatawan ng Malabon

MALABON CITY — Opisyal nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman …

Las Piñas educational assistance

Sa ilalim ng 2025 educational assistance program
Las Piñas LGU namahagi ng school supplies para sa 850 estudyante

NAMAHAGI ng educational assistance ang Las Piñas City Government sa pamamagitan ng City Social Welfare …

Blind Item, Gay For Pay Money

Cayetano naghain ng panukala
Labor Commission na nakatutok sa living wage

INIHAIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang isang panukalang batas na layong bumuo …

MARINA DMW

Pamilya hindi nakakapiling
Bakasyon ng seafarer nauubos sa training

IMBES kapiling ng pamilya matapos ang mahabang buwan ng paglalayag sa laot, nauubos sa pagdalo …

Arrest Caloocan

2 snatcher sumemplang huli sa follow-up ops

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang inireklamong dalawang snatcher na nanghablot ng cellphone makaraang sumemplang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *