Thursday , January 20 2022
Arrest Caloocan

Driver, mekaniko at helper, huli sa droga sa Kankaloo

NASAKOTE ang isang driver, mekaniko, at isang helper sa magkakahi­walay na lugar sa Caloo­can City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan police Chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 9:10 pm, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Sub-Station 9 tungkol sa nagaganap na transak­siyon umano ng ilegal na droga sa Main Road, Antonio Compound, Saranay, Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing siyudad.

Kaagad nagresponde ang mga pulis sa naturang lugar kung saan naaktohan sina Narciso Victoria, 40 anyos, isang tricycle driver, at Garry John Belga, 26 anyos, mekaniko na nag-aabutan umano ng hinihinalang shabu.

Kaagad na inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihina­lang shabu na tinatayang nasa P12,920 ang halaga.

Dakong 10:20 pm nang maaresto din si Jayson Sayson, 18 anyos, helper, matapos ang habulan makaraang tangkaing takasan ang mga sumita sa kanyang mga pulis dahil sa paglabag sa curfew hours sa Phase 7A, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P120 ang halaga.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan …

012022 Hataw Frontpage

Hiling sa AMLC
‘MONEY LAUNDERING’ SA ‘PHARMALLY’ BUSISIIN

ni ROSE NOVENARIO BIGLANG YAMAN ang mga personalidad na sangkot sa Pharmally controversy na nabisto …

Imee Marcos

Tallano gold, Yamashita treasure itinanggi ni Imee

URBAN legend! Ganito tinawag ni Sen. Imee Marcos ang mga kuwento tungkol sa pagkakaroon ng …

Leave a Reply