LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura. Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun …
Read More »Pasistang diktador pangarap ni Digong (Peace talks kaya ibinasura )
PINATAY ang peace talks dahil traidor at gustong maging pasistang diktador ni Duterte. Ito ang ipinahayag ni Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pagulong Rodrigo Duterte sa peace talks. Ani Joma, pinatay ni Duterte ang peace negotiations dahil siya’y traidor na sumusunod sa dikta ni US President Donald Trump at ambisyong maging pasistang diktador. “He has killed the peace …
Read More »Impeachment ni Leonen daraan sa proseso – solons (Not just a numbers game)
GAYA ng dapat sundin, daraan sa normal na proseso, alinsunod sa Saligang Batas ang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hinihintay lamang ng House Committee on Justice ang pormal na referral mula sa opisina ng speaker. “Once it is received by the committee by referral, there will be …
Read More »Babala ng Kamara: Toll operators puwedeng bawian ng konsesyon
MAAARING bawiin ng Kamara ang konsesyon ng dalawang operators ng North Luzon Expressway at ng South Luzon Expressway kung hindi maaayos ang problema sa RFID na nagdulot ng pahirap sa mga maglalakbay patungong hilaga at kanlurang bahagi ng bansa. Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng House committee on transportation, ang gobyerno ay maaaring mag-takeover sa pagpapatakbo …
Read More »P4.5T 2021 nat’l budget ratipikado sa senado
NIRATIPIKAHAN ng Senado ang panukalang P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021. Ito ay matapos magkasundo ang bicameral conference committee na kinatawan ng mga mambabatas mula sa Senado at sa Kamara. Ang bicameral conference committee ang nag-ayos ng gusot o sa magkaibang bersiyon ng 2021 proposed national budget ng Senado at Mababang Kapulungan. Unang niratipikahan ng Mababang Kapulungan ng …
Read More »Fake news sa TikTok inalmahan ng solon
INIREKLAMO ng isang lady solon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng isang malisyosong video na inilathala sa popular social media platform na TikTok para sirain ang kanyang reputasyon. Nagtungo kamakalawa si Quezon 4th District Rep. Dr. Angelina “Helen” Tan sa NBI Lucena District Office para paimbestigahan ang pagpapalaganap ng malisyosong video ng social media account @sovereignph sa …
Read More »29 deputy speakers ‘scandal’ sa house – Pol analyst
ITINUTURING ng isang political analyst na ‘scandal’ ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na mayroong 29 deputy speakers. Ayon sa batikang political analyst na si Ramon “Mon” Casiple hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speaker (DS) ng Mababang Kapulungan dahil wala namang naipakikitang nagagawa, sa halip, habang dumarami ang itinatalagang deputy speakers ay lalong lumalaki ang gastos. Malinaw umano …
Read More »Pagtatwa ni Duterte sa narco-list, karuwagan – HRW
ITINATWA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang narco-list kahit paulit-ulit niyang binabasa ito sa harap ng publiko mula noong 2016 matapos mapaslang ang isang alklade na kasama sa listahan. Para sa Human Rights Watch, isang malaking karuwagan ang pagdistansiya ni Duterte sa ipinangalandakang narco-list. Sa kanyang public address kamakalawa, humingi ng paumanhin si Duterte sa pamilya ni Los Baños Mayor Cesar …
Read More »Duterte kulelat sa libreng mass testing (Sa pandemyang CoVid-19)
MAKARAAN ang siyam na buwan na paulit-ulit na panawagan ng iba’t ibang grupo para sa free CoVid-19 mass testing, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanap siya ng paraan upang maisakatuparan ito. Depensa ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi totoo na masyado nang huli ang diskarte ng Pangulo para sa free mass testing. “Hindi po totoo iyan. Sa mula’t mula …
Read More »Alboroto ng DDS vs Kamara iinit pa (ABS CBN franchise kung bubuhayin )
KLARONG pambabastos ang plano ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan ng prankisa sa susunod na taon ang ABS-CBN. Pananaw ito ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksiyon sa naging pagtiyak ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na bumubuwelo lamang ang liderato ni Velascso dahil kauupo lamang sa puwesto ngunit …
Read More »Higit P.8-M marijuana nasamsam sa ‘biyahero’ sa Benguet checkpoint
INARESTO ng mga awtoridad ang tatlong lalaki dahil sa pagbibiyahe ng tinatayang P840,000 halaga ng marijuana na naharang sa isang checkpoint sa pagitan ng lungsod ng Baguio at bayan ng La Trinidad, sa lalawigan ng Benguet, nitong Linggo ng gabi, 6 Disyemrbre. Ikinasa ang operasyon base sa tip na natanggap ng Baguio City police at kasama ang mga miyembro ng …
Read More »Umaming drug user tinambangan lalaki patay, babae sugatan (Sa Negros Oriental)
NABARIL at napatay ang isang lalaking ‘nangumpisal’ na isa siyang drug user habang sugatan ang kanyang kasamang babae nang tambangan sa isang abalang kalsada sa lungsod ng Bais, lalawigan ng Negros Oriental, noong Linggo, 6 Disyembre. Minamaneho ng biktimang kinilalang si Patrick Manuel Romero, 31 anyos, angkas ang kaniyang live-in partner na si Rhea Lou Pagador, 29 anyos, nang harangin …
Read More »Duterte ‘nag-U-Turn sa isyu ng human rights
LIMANG araw matapos ideklarang wala siyang pakialam sa adbokasiya ng human rights group na pahalagahan ang buhay ng mga tao, inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad ng kanyang administrasyon ang karapatang pantao. “I welcome this summit as an effective platform for the international community to enhance collaboration in the protection and promotion of human rights,” sabi ni Duterte …
Read More »Digong sabik sa turok ng CoVid-19 vaccine
SABIK na sabik si Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpaturok ng bakuna kontra CoVid-19 vaccine para magsilbing halimbawa sa mga Pinoy na tangkilikin ito. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung maaaprobahan ng Food and Drug Administration (FDA) na emergency use authorization (EUA) ng bakuna. “Definitely, as Spokesperson, I think the President is the best communication tool. So …
Read More »Duterte iwas-pusoy sa impeachment vs Leonen
DUMISTANSIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil sa umano’y betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution. “Absolutely not. None,” mabilis na tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque nang tanungin sa virtual press briefing kung inendoso ni Pangulong Duterte ang impeachment complaint laban kay Leonen. “Wala pong …
Read More »Justice Leonen sinampahan impeachment complaint
SINAMPAHAN ng impeachment complaint si Supreme Court Justice Marvic Leonen sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon dahil sa kabiguan nitong maghain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) sa loob ng 15 taon at umano’y pag-upo sa mga kasong kanyang hawak. Ayon kay Edwin Cordevilla, secretary-general of the Filipino League of Advocates for Good Government, na nagsampa …
Read More »Duterte takot sa impeachment at firing squad ng PNP, AFP (Peace talks sa CPP-NPA-NDF the end na)
HINDI na muling makikipagmabutihan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista dahil takot siyang ma-impeach o mabaril ng pulis at militar. Tuluyan nang tinuldukan ni Pangulong Duterte ang peace talks ang gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) hanggang matapos ang kanyang administrasyon sa 2022. Ikinatuwiran niya na hindi niya kayang pumasok sa isang …
Read More »Speaker Velasco ‘di tunay na lider — Anti-commies (Inakusahang panig sa leftist group)
KINASTIGO ng iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations si House Speaker Lord Allan Velasco sa lantaran nitong pagpanig sa mga kalaban ng administrasyong Duterte dala ng patuloy na pagbibingi-bingihan sa matagal nang panawagang imbestigahan ang Makabayan Bloc sa koneksiyon nito sa CPP-NPA. Inamin ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskompiyado sila kay Velasco dahil sa …
Read More »Tulong ni Gary Sta. Ana walang pahirap sa mahirap
“AT huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.” Ang mga salitang iyan mula sa Biblia ang naging laman ng puso ni Gary Sta. Ana sa pagtulong niya sa kapwa-tao na nangangailangan. Mula noong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay aabot na sa 10,000 katao ang nahatiran niya ng …
Read More »Pasay City naglunsad ng online system para sa aplikasyon ng business permits
INILUNSAD kahapon ng Pasay local gocernment unit (LGU) ang online system for renewal of business permits na magiging available din sa mga bagong magtatayo ng negosyo simula sa Enero sa susunod na taon. Tinawag na Pasay E-Business Go Live, ang naturang system o app ay idinisenyo para sa contactless processing ng permit upang maiwasan ang person-to-person transactions sa pagitan ng …
Read More »Tulong at rehab sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad tiniyak na mapapabilis ng PRRD admin – Cayetano
SINIGURO ni Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano noong Biyernes sa mga residente at pinuno ng mga lokal na pamahalaan ng Batangas at Laguna na ang administrasyong Duterte ay nagsisikap sa abot ng kanilang makakaya upang pabilisin ang pagpapaabot ng tulong at rehabilitasyon sa mga lugar na naapektohan ng bagyong Ulysses noong nakaraang buwan. Hinikayat ni Cayetano ang mga …
Read More »PH internet speed bumilis kahit may kalamidad sa gitna ng lockdown — Ookla
BUMILIS na ang internet signal sa gitna ng nararanasang pandemya. Batay sa Nobymebre 2020 ulat ng Ookla, global leader sa mobile at broadband network intelligence, testing applications, at technology, para sa fixed broadband, ang bansa ay may average download speed na 28.69 Mbps, 262.71% increase mula sa download speed na 7.91 Mbps na naitala noong Hulyo 2016. Sa mobile network …
Read More »Sa 98 CoVid-19 cases… DOH tikom-bibig sa health protocol violations ng Kamara (Cover up inangalan ng mga empleyado)
WALANG naging aksiyon ang Department of Health (DOH) sa naitalang 98 confirmed CoVid-19 cases sa House of Representatives gayondin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero. Kinompirma ni Quezon City Health Department -Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na …
Read More »P5-M droga nasabat sa Manda, Pasig 4 pusher timbog
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang 78 gramo ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng P530,000 mula sa apat na hinihinalang mga tulak sa isinagawang buy bust operation ng Mandaluyong PNP, nitong Sabado ng gabi, 5 Disyembre. Sa ulat na tinanggap ni Eastern Police District Director P/BGen. Matthew Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ernan Madridano, 39 anyos; Jun Sioson, …
Read More »Pulis na sinibak sa serbisyo arestado sa kotong
TIMBOG ang isang pulis na sinibak sa serbisyo habang nangongotong sa mga delivery truck ng isda sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU) ang suspek na kinilalang si Don De Quiroz Osias II, 39 anyos, residente sa Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon …
Read More »