Saturday , January 11 2025

News

Makeshift shabu lab sa Cainta sinalakay (Nabuko ng delivery rider)

shabu

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratoryo ng ilegal na droga sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes ng tanghali, 7 Enero. Ayon sa mga awtoridad, nagpa-book ang isang “Jose” sa isang door-to-door delivery service mula sa Brgy. San Andres, sa naturang bayan upang magpadala ng package sa …

Read More »

Tulak timbog sa Malabon (Sa P122K shabu)

shabu drug arrest

TIMBOG ang isang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 anyos, residente sa Kaingin II St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod na sinasabing ‘malupit’ na tulak ng shabu sa lugar. Batay sa ulat na ipinarating …

Read More »

Porn may negatibong epekto sa sex drive ng kalalakihan

MAS malaki ang posibilidad ng erectile dysfunction (ED) sa kalalakihan sanhi ng labis na panonood ng pornograpiya — kahit pa bata at malusog ang mahihilig manood nito, ayon sa bagong pag-aaral. Binatay ang mga resulta sa pag-aaral, na iniharap kamakailan lang sa virtual congress ng European Association of Urology, sa sinuring 3,267 kalalakihan sa Belgium, Denmark, at United Kingdom, na kinompleto …

Read More »

Covid-19 maaaring maging dahilan ng erectile dysfunction sa kalalakihan

Covid-19 Swab test

CLEVELAND, OHIO — Masamang balita sa kalalakihan — lumilitaw na makasasama ang CoVid-19 sa kalusugang seksuwal ng mga lalaki at posibleng maging dahilan ng erectile dysfunction (ED). Napagalaman mula sa bagong pag-aaral na ang surviving CoVid-19 ay maaaring iugnay sa ED at tinutukoy sa isinagawang research sa tatlong factor ang sinasabing potensiyal na nagbubunsod sa ED sa mga lalaking nagkaroon …

Read More »

2 tumba sa pandemya sa Malabon

Covid-19 dead

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa CoVid-19 sa Malabon City nitong 5 Enero na sa kabuuan ay umakyat sa 233 ang COVID casualties ng siyudad. Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos at Potrero. Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases. …

Read More »

PWD minolestiya ng trike driver

sexual harrassment hipo

ARESTADO ang 29-anyos trike driver makaraang molestiyahin ang dalagitang may kapansanan, kamakalawa ng gabi sa Makati City. Inireklamo sa pulisya ang suspek na si Gerald Egot, ng Camiguin St., Barangay Pitogo, Makati City, ng sexual abuse in relation to Republic Act 7610 (Child Abuse Law). Ayon sa ulat ng Makati City Police Station, nangyari ang pangmomolestiya sa biktimang si alyas …

Read More »

Imbestigasyon vs malalaswang video, retrato ng mga estudyante kapalit ng tuition fee isinulong (Senator Bong Go sumuporta)

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

“Dapat itong imbestigahan ng mga awtoridad.” Ito ang tugon ni Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga report na may mga estudyanteng nagbebenta ng kanilang mala­laswang  larawan at video para may pambayad sa kanilang matrikula. Ayon kay Go, dapat hulihin at mapanagot ang mga taong kasabwat sa ganitong uri ng gawain dahil maituturing itong cyber crime. Itinuturing din ng Senador …

Read More »

Lamay bawal sa loob ng bahay — Belmonte

NAGBABALA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga opisyal ng barangay at kawani ng punerarya na papatawan ng parusa ang gaganaping lamay sa loob ng tahanan ng mga namatayan dahil ang ganitong mga aktibidad ay maaaring maging dahilan ng pagkalat ng impeksiyon ng coronavirus. Ayon kay QC Barangay Community Relations Department (BCRD) head Ricky Corpuz, ang desisyong hindi payagan …

Read More »

Lalaki sa Olongapo natagpuang patay sa kanal

dead

NATAGPUAN ang isang lalaking wala nang buhay sa isang kanal sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, nitong Miyer­koles ng umaga, 6 Enero. Kinilala ng mga awto­ridad ang bangkay na si Gener Ramos, 55 anyos, residente sa Brgy. Maba­yuan, sa naturang lungsod. Nadiskubre ang katawan ni Ramos dakong 6:30 am sa isang kanal malapit sa outpost sa Barangay Gordon Heights. …

Read More »

Sunog sumiklab sa Zambo City 100 pamilya nawalan ng tirahan

fire sunog bombero

HINDI bababa sa 100 pamilya sa Brgy. Tetuan, sa lungsod ng Zamboanga, ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang mga bahay pasado 11:00 am, kahapon, 6 Enero. Ayon kay Maria Socorro Rojas, city social welfare and development officer, pansamantalang sumisi­long ang mga apektadong pamilya sa isang paaralan. Matatagpuan ang baha­yang tinupok ng apoy katabi ng planta ng softdrinks tatlong …

Read More »

3,000 health workers umapela sa Cebu LGU Sinulog kanselahin

NANAWAGAN ang grupo ng mahigit sa 3,000 doktor at medical professionals sa pamahalaang lungsod ng Cebu na ipagpaliban ang mga aktibidad na magiging dahilan ng pagtitipon ng mga tao para sa kapistahan ng Sinulog sa 17 Enero. Bagaman bumaba ang bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa lungsod sa nakaraang mga buwan, pinaalalahanan ng Cebu Medical Society (CMS) ang mga …

Read More »

Sundalong senglot nag-amok, superior pinatay (Pinaalalahanan sa kanyang tungkulin)

gun shot

BINAWIAN ng buhay ang isang opisyal ng Philippine Army sa kamay ng nag-amok na kapwa niya sundalo nitong Martes, 5 Enero sa loob ng kanilang kampo sa lungsod ng Zamboanga. Ayon kay P/Maj. Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police, lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek na kinilalang si Private First Class Herbert Antonio nang pagsabihan ng kaniyang …

Read More »

Police brutality imbestigahan — PNP PRO3 (Sa viral video ng anti-narcotic ops)

PINAIIMBESTIGAHAN ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang sinasabing police brutality na naging viral sa social media hinggil sa naganap na anti-narcotics operation sa New Cabalan, sa lungsod ng Olongapo, noong Linggo, 3 Enero. Inilagay sa floating status ang station commander ng Police Station 4 ng Olongapo City Police Office habang isinailalim sa pagsisiyasat ang naturang kaso dahil sa …

Read More »

Caretaker ng palaisdaan todas sa boga

gun dead

PATAY ang caretaker ng isang palaisdaan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 5 Enero. Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS), kumakain ang biktimang si kinilalang si Alexander de Guia sa isang kubo kasama ang kina­kasama nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki na may takip …

Read More »

10 drug personalities, 6 sugarol, 2 wanted persons nasakote (Sa anti-crime drive ops ng Bulacan PNP

SUNOD-SUNOD na nasakote ng mga awtoridad ang 18 katao, pawang nahuling lumabag sa mga ipinaiiral batas sa serye ng anti-crime drive operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 6 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang 10 sa mga suspek dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga …

Read More »

Usurero itinumba ng riding-in-tandem (Pera tinangay)

dead gun police

PATAY ang isang usurero matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem bago tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Rodolfo Carpentero, 46 anyos, kilalang nagpapautang sa lugar at residente  sa Kaunlaran St., Brgy. Muzon, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo. Kaagad …

Read More »

FDA probe sa PSG smuggled, unauthorized CoVid-19 vaccine, tuloy

HINDI paaawat ang Food and Drug Administration (FDA) sa pag-iimbestiga sa hindi awtorisadong pagbabakuna kontra CoVid-19 sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG). “Ang habol namin dito ‘yung safety. Hindi naman kami naghahanap ng ipapakulong. Ang mandato ko, siguraduhing ‘yung gamot na nagagamit at napapasok dito sa Filipinas ay safe at puwedeng gamitin. ‘Yun po ang importante sa amin …

Read More »

Danny Lim, pumanaw sa COVID-19

BINAWIAN ng buhay kahapon si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim, walong araw matapos niyang ihayag na positibo siya sa CoVid-19. Nagpaabot ng pakiki­ramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni Lim, 65-anyos, at kanyang mga kasamahan sa MMDA. “MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed,” sabi ni Presidential …

Read More »

P1.6-B pandemic funds dapat ipaliwanag ni Mayor Malapitan

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

PINAGPAPALIWANAG ng mga konsehal si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kung saan-saan at paano ginamit ang mahigit P1 bilyong supplemental budget na inaprobahan ng konseho para tugu­nan ng lokal na pama­halaan ang pangangai­langan ng mga mama­mayan sa panahon ng pandemya. Sa ipinadalang liham nina City councilors Christopher Malonzo, Ma. Rose Mercado, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus, at Marylou Nubla, pinaalalahanan nila …

Read More »

PNP probe sa Dacera case, bara-bara — Diokno

ni ROSE NOVENARIO BARA-BARA o magulo ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa kaso nang pagkamatay ni Christine Dacera. Pinuna ni human rights lawyer at Dela Salle University College of Law dean Chel Diokno ang pagsasampa ng “provisional charges” ng PNP laban sa mga suspect gayong hindi ito nakasaad sa batas at wala pang autopsy report na puwedeng …

Read More »

P93K+ utang ng bawat Pinoy P10.13 Trilyon, utang ng PH

ANG bawat isa sa mahigit 108 milyong Filipino ay may utang na P93,323.70 dahil puspu­san ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P10.3 trilyon hanggang noong nakalipas na Nobyembre. Batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang P10.3 trilyong utang ng bansa noong Nobyembre 2020 ay mas mataas ng 1.1% noong Oktubre 2020. Aniya, si Duterte na ang …

Read More »

Tanod patay sa riding-in-tandem (Health protocols mahigpit na ipinatupad)

dead gun police

PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang mahigpit na nagpapatupad ng safety health protocols sa Brgy. Del Carmen, sa bayan ng Floridablanca, lalawigan ng Pampanga. Sa viral video, makikitang nagmamando ng quarantine checkpoint ang biktimang kinilalang si Joseph Labonera sa nasabing lugar at isa pang kasamang tanod dala ang isang megaphone upang paalalahanan ang mga nagdaraan na …

Read More »

Babae naatrasan ng nakaparadang kotse, patay

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos maatrasan ng isang nakaparadang kotseng walang sakay sa bayan ng Aguilar, lalawigan ng Pangasinan, nitong Lunes ng gabi, 4 Enero. Nabatid na biglang umandar paatras ang sasakyang nakaparada sa isang elevated parking lot at nagulungan ang biktimang nakatayo sa likod nito na kinilalang si Aida Reyes, 56 anyos, dakong 7:45 pm kama­kalawa, sa …

Read More »

10-anyos nene, 2 taong sex slave ng ama

harassed hold hand rape

KALABOSO ang isang lalaki nang arestohin ng pulisya nitong Lunes, 4 Enero, kaugnay ng panggagahasa sa anak na babae sa loob ng dalawang taon sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang nadakip na suspek na kinilalang si Charlie Rosales, 46 anyos, at residente sa Brgy. Graceville, …

Read More »

Writ of kalikasan vs Bulacan airport ibinasura ng SC

HINDI pinayagan ng Supreme Court (SC) en banc ang petitition for writ of kalikasan na inihain ng mga mangi­ngisda at civil society groups laban sa konstruk­siyon ng international airport sa Bulacan. Base sa imporma­syopn mula sa Korte Suprema, ibinasura ang petisyon laban sa San Miguel Aerocity, Inc., dahil sa kakulangan ng merito dahil nabigong mag-comply sa required form at substance. …

Read More »