Tuesday , December 16 2025

News

Automation sa mga paaralan isulong
BAWAS ASIGNATURA SA KOLEHIYO PINABORAN NG SENADOR 

deped Digital education online learning

PABOR si Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na bawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ilagay sa K-12 upang mabawasan ang taong gugugulin sa kolehiyo. Sa pagdalo ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Hotel sa kooperasyon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, tinukoy niyang halos paulit-ulit ang ibang asignatura na …

Read More »

Pananim mabubulok na
E-SABONG BAN INIINDA NG ISABELA FARMERS

PAGCOR online sabong

INIINDA ng mga magsasaka sa Echague, Isabela ang patuloy na iniinda ang matinding krisis dulot ng suspensiyon sa online cockfighting o e-sabong. Isa sa mga magsasaka si Jay-ar Dagman, dating nakikinabang sa operasyon ng e-sabong, ang nagsabing malubha ang naging epekto ng pagpapatigil ng online sabong sa kanyang monthly income. “Bumaba po at mahina po ‘yung demand ng mais [dahil …

Read More »

Sa 30 kaso ng Qualified Theft
TOP 8 MWP SA BICOL, ITINALAGA NI FM JR., SA PALASYO 

090122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAKALUSOT sa matatalas na intelligence operatives ng Palasyo ang binansagang Top 8 most wanted person sa Naga City sa Camarines Sur at naitalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang opisyal ng isang ahensiya sa ilalim ng kanyang tanggapan — ang Office of the President (OP). Nabatid na si Maria Victoria Duldulao Gumabao, 54, ay itinalaga ni FM …

Read More »

Ika-172 kaarawan ni Gat Marcelo H. Del Pilar ginunita sa Bulacan

Ika-172 kaarawan ni Gat Marcelo H Del Pilar ginunita sa Bulacan

NAGTIPON ang daan-daang Bulakenyo sa Sitio Kupang, Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 30 Agosto, upang ipagdiwang ang ika-172 anibersaryo ng kaarawan ni Gat Marcelo H. Del Pilar, ang tinaguriang “Dakilang Propagandista” sa pag-aalsa ng Filipinas laban sa kolonyal na paghahari ng mga Kastila. Magkakasamang pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alexis Castro, …

Read More »

Sa Bulacan
MRT-7 PLANONG ILARGA HANGGANG SA 2 BAYAN 

MRT-7

BUKAS ang Department of Transportation (DOTr) para i-extend ang construction ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa dalawa pang munisipalidad sa Bulacan. Pahayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa House Committee on Transportation, maaaring maabot ng railway ang mga bayan ng Sta. Maria at Norzagaray na parehong malaki ang populasyon. Bilang tugon ito sa tanong ni 6th Bulacan District Representative Salvador …

Read More »

Sa San Jose del Monte, Bulacan
NAWAWALANG ESTUDYANTE PATULOY NA PINAGHAHANAP

San Jose del Monte CSJDM Police

PATULOY na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 16-anyos estudyanteng babae sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan matapos iulat na nawawala simula pa noong 11 Agosto 2022. Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang nawawalang estudyante na si Carl Antonette Sanchez, 16 anyos, Grade 9 student, tubong Bacoor, Cavite at …

Read More »

Sa Navotas buy bust 
4 KATAO TIMBOG SA P139K SHABU 

shabu

APAT katao ang nalambat ng pulisya na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging, dakong 12:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa Paltok St., …

Read More »

Vaxx site bubuksan
“PINASLAKAS” SA PALENGKE ISUSULONG NG PASAY LGU 

Pasay City CoVid-19 vaccine

BUBUKSAN ang vaxx site sa ilang palengke sa lungsod ng Pasay. Sa kagustuhan ng marami na makapagpabakuna, ilalapit na ng pamahalaang lokal ng Pasay ang mga bakunahan kontra CoVid 19. Dito ay magtatayo ang Pasay City government ng vaccination site sa ilang pamilihan sa lungsod. Bahagi pa rin ito ng “Pinaslakas” program ng Department of Health (DoH). Bubuksan ang vaccination …

Read More »

NCAP sa QC ipinatigil

No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

PANSAMANTALANG ipinatigil ng Quezon City government ang ipinatutupad na No Contact Apprehension Program (NCAP) sa lungsod. Ito ay matapos na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) kaugnay sa ipinatutupad na NCAP ng ilang local government units (LGU) sa kanilang mga nasasakupan. “The Quezon City NCAP program has significantly reduced the traffic violations in the affected areas …

Read More »

Sunod-sunod na inspeksiyon inangalan ng importers

Philippines Sugar Millers Association Inc PSMAI

INALMAHAN ng Philippines Sugar Millers Association, Inc., ang isinagawang sunod-sunod na pag-iinspeksiyon sa mga bodega ng asukal kasabay ng pag-amin na sila ang nagrekomenda sa pamahalaan ng pag-aangkat ng 300,000 metric tones na asukal. Ayon kay Pablo Lobregat, Pangulo ng Samahan, kinonsulta sila ng stakeholders ng pamahalaan at halos pare-pareho ang kanilang naging rekomendasyon na mag-angkat ng asukal. Ang dapat …

Read More »

12-20 taon kulong sa utak ng pekeng appointment ni Espejo

083122 Hataw Frontpage

NAHAHARAP sa 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo ang utak ng kumalat na pekeng appointment ni Atty. Abraham Espejo bilang bagong Bureau of Immigration (BI) commissioner. “Ayon sa Revised Penal Code, Article 161, ang pag-forge ng great seal of the government, signature ng President or stamp ng Presidente ay pinaparusahan ng reclusion temporal; ang reclusion temporal po ay 12 to 20 …

Read More »

Batakang barong-barong binaklas
6 TULAK NABULAGA TIKLO 

Batakang barong-barong binaklas 6 TULAK NABULAGA TIKLO

SINALAKAY at binaklas ng mga awtoridad ang isang barong-barong na ginawang batakan kasunod ng pag-aresto sa anim na indibidwal sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 28 Agosto. Sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rogelio Estrada, 39 anyos, …

Read More »

Espejo sa BI, tablado sa Palasyo

Abraham Espejo

IKINAILA ng Malacañang ang ulat na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Atty. Abraham Espejo bilang bagong commissioner ng Bureau of Immigration (BI). “No appointment has yet been made to the position of Immigrations Commissioner,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang kalatas kahapon. “We have confirmed with the Presidential Management Staff (PMS) – – which conducts complete …

Read More »

Motorsiklo sumalpok sa kotse
RIDER, ANGKAS TODAS

road accident

BINAWIAN ng buhay ang isang rider at ang kanyang angkas makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng madaling araw, 28 Agosto. Sa ulat ni P/Lt. Col. Rodolfo Santiago ll, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang mga biktima na sina Jonvy Balato, driver, at angkas niyang si Angeline Evangelista, kapwa …

Read More »

P5.44-M shabu nasabat 3 HVT nasakote sa Pasig

P5.44-M shabu nasabat 3 HVT nasakote sa Pasig

NADAKIP ang tatlong nakatala bilang high value target (HVT) sa ikinasang anti-drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng hapon, 27 Agosto. Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro, Jr., ang mga arestadong suspek na sina Mohaimen Rangaig, 26 anyos; Mate Makebel, 33 anyos, kapwa nakatira sa No. 683 R. Castillo St., Brgy. Kalawaan, sa …

Read More »

2 tulak timbog sa Laguna P14-K shabu nasamsam

shabu drug arrest

NASAKOTE ng mga awtoridad sa ikinasnag anti-illegal drug buy bust operation ang dalawang hinihinalang mga tulak sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 27 Agosto. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PPO, ang mga suspek na sina Eduardo Obias, alyas ​​Jun, 42 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. Turbina; at Greymond Salum, alyas ​​Grey, …

Read More »

Notoryus na tulak sa Gapo nakalawit

Notoryus na tulak sa Gapo nakalawit

NADAKIP ang isang pinaniniwalaang pusakal na tulak sa ikinasang buy bust operation sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo City Police Drug Enforcement Unit, Olongapo City Mobile Force Company (CMFC), at OCPO Police Station 5 (PS5), sa pamumuno ni P/Lt. Dennis Gruspe, kasama ang SOU3 PNP Drug Enforcement Group sa ilalim ng buong pangangasiwa …

Read More »

Sa ika-6 araw ng SACLEO
24 PASAWAY TIKLO SA BULACAN

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang 24 indibiduwal na sangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas sa ikaanim na araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 27 Agosto. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang 15 hinihinalang mga tulak sa ikinasang drug sting …

Read More »

7 pusher huli sa buy bust sa Kyusi

Quezon City QC

INARESTO ng mga awtoridad ang pitong tulak matapos makompiskahan ng P204,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na ikinasang buy bust operations sa Quezon City, Sabado ng gabi. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III, unang nadakip ng mga operatiba ng Holy Spirit Police Station (PS 14), na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alex DJ Alberto, ang …

Read More »

P.7-M natupok  sa sunog sa SSS

SSS

SUMIKLAB ang sunog sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City, Linggo ng madaling araw. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 2:05 am, 28 Agosto, nang magsimula ang sunog sa electrical room ng SSS data center, na nasa ground floor ng main building. Agad nakapagresponde ang mga bombero upang apulain ang …

Read More »

Compassionate release sa utol ng CHED chair, hirit kay FM Jr.

Bongbong Marcos Adora Faye De Vera

ni ROSE NOVENARIO UMAPELA ang mga kaanak at ilang organisasyon para gawaran ng compassionate release ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Adora Faye de Vera na inaresto ng mga pulis kamakailan bunsod ng mga kasong kriminal dahil mahina ang kanyang kalusugan at kailangan ng kagyat na atensiyong medikal.                “KAPATID appeals to the government to grant Adora Faye de Vera …

Read More »

 ‘Trahedya’ sa demokrasya  
DE LIMA PINAGKAITAN NG BISITA SA KANYANG BIRTHDAY — LAGMAN 

Edcel Lagman Leila De Lima

ISANG ‘trahedya’ sa demokrasya ang ginawa ng pamahalaang FM Jr., nang ipagbawal ang pagbisita kay dating Senador Leila de Lima kanyang birthday kahapon. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman pinagkaitan si De Lima nang hindi papasukin sa kanyang kulungan ang mga pinakamalalapit na kaibigan niya. “She was unreasonably deprived of the company of her closest friends and ardent defenders,” ani …

Read More »

Veteran broadcaster inaresto sa Cyber Libel

Waldy Carbonell Cyber Libel Arrest

DINAKIP ng mga pulis ang batikang commentator na si Waldy Carbonell kahapon ng umaga habang nagda-jogging sa Roxas Blvd., Pasay City sa kasong cyber libel na isinampa ng isang lokal na opisyal ng Ilocos Norte. Kasama ni Carbonnel ang dating pangulo ng Publishers Association of the Philippines (PAPI) Johnny Dayang nang arestohin siya at dinala sa Caloocan City-CIDG office. Naganap …

Read More »