Friday , February 20 2026

Nation

‘Tesdaman’ muling tatakbong senador sa 2022 elections

Joel Villanueva, Tesdaman

NAGPAHAYAG si Senador Joel “Tesdaman” Villanueva ng kanyang pagnanais na muling tumakbong senador para sa 2022 senatorial election. Inihayag  ito ng mambabatas sa kanyang pagdalo sa launching ng Tulong Trabaho Scholarship Program. Dumalo ang tinatayang 40,000 benepisaryo na pinaniniwalaang malaki ang maitutulong upang muling makabangon ang ekonomiya. Ani Villanueva, tulad ng mga sundalong sinasanay ng pamahalaan bilang paghahanda sa gera, …

Read More »

PPEs bumaha sa Customs (Bago March 2020 lockdown declaration)

Bureau of Customs, BoC, PPEs

BUMAHA ang mga personal protective equipment (PPEs) sa Bureau of Customs (BoC) bago ideklara ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang unang lockdown sa buong Luzon noong Marso 2020.    Isiniwalat ito ni Sen. Panfilo Lacson sa ika-10 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang multi-bilyong medical supplies contract na nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation mula sa Procurement Service-Department of Budget and …

Read More »

DOE kinastigo ni Gatchalian (Sa Malampaya contract)

DoE, Malampaya

MARIING binalaan ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) sa posibilidad na pagpasok ng gobyerno sa isang ‘midnight deal’ kaugnay ng pagpapalawig sa service contract ng Malampaya project na magtatapos sa 2024. Nangamba si Gatchalian sa gitna ng naganap na bentahan ng shares ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), ang operator ng Malampaya gas field project, sa Malampaya …

Read More »

P4k ibinayad ng Pharmally sa accountant

Illuminada Sebial, Pharmally, Money

APAT na libong piso lamang ang ibinayad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kanilang external auditor para pirmahan ang financial statement ng kompanya na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC). Inamin ni Illuminada Sebial, external auditor ng Pharmally, tumanggap siya ng P4,000 mula sa kompanya para sa isang beses na trabahong paglagda sa financial statement ng kompanya sa SEC at …

Read More »

P.105+M pasanin ng bawat Pinoy (Sa P11.64 trilyong utang ng Duterte admin)

Philippines money

MAY P105,818 utang ang bawat Filipino dahil pusupusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P11.64 trilyon hanggang noong nakalipas na Agosto. Sa report ng Bureau of Treasury, pumalo na sa bagong record high na P11.64 trilyon ang utang ng national government noong Agosto 2021. Batay sa ulat, nadagdagan ng P32.05 bilyon ang utang ng Filipinas sa loob …

Read More »

Robredo para 2022 presidente (Endoso ng 1Sambayan)

100121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa publiko na samahan siyang magdasal para makapagpasya kung tatanggapin ang nominasyon sa kanya bilang 2022 presidential bet ng opposition coalition 1Sambayan. “Mabigat ang hinihiling sa isang pangulo. Maraming responsibilidad at obligasyon ang dala nito — buhay at kinabukasan ng Filipino ang nakataya. Ang desisyon sa pagtakbo, hindi puwedeng nakabase sa …

Read More »

De lima, Pangilinan umaprub sa LP senatorial slate (Sa nominasyon ng LP)

Kiko Pangilinan, Leila de Lima, Liberal

TINANGGAP nina Senadora Leila de Lima at Senador Francis “KIko” Pangilinan ang kanilang nominasyon mula sa Liberal Party (LP) para maging bahagi ng senatorial line-up nito para sa May 2022 elections. Agad nagpasalamat sina De Lima at Pangilinan sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng partido para sa 2022 elections. Tiniyak nina De Lima at Pangilinan na ipagpapatuloy ang kanilang sinimulan …

Read More »

‘Go signal’ sa gen pop vaccination inilarga ni Digong

Rodrigo Duterte, Covid-19 Vaccinie

BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra CoVid-19 sa general population simula Oktubre. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magaganap ito dahil inaasahan ang pagdating sa bansa ng maraming supply ng bakuna sa mga susunod na araw. “Ang good news, inaprobahan ni Presidente ang pagbabakuna ng general population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque …

Read More »

Duterte binutata ni Duque (Sa face shield expiration)

092921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SINOPLA ni Health Secretary Francisco Duque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napapaso ang face shield dahil plastic ito. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bilang pagkontra sa sinabi ng isang dating warehouse staff ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation sa Senate Blue Ribbon Committee na inutusan silang palitan ang expiry date ng face shield na gawing …

Read More »

Idol Raffy hindi tatakbong VP

Raffy Tulfo

MARIING pinabulaanan ng broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Raffy, may mga politiko, hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit kaniya itong tinanggihan …

Read More »

Mga kritiko, sablay: Pribadong sektor nagbayad ng SEA Games cauldron

SEA Games cauldron

ANG P50-million cauldron na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno. Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda nitong Sabado, 25 Setyembre. “People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid …

Read More »

PCOO 2022 budget posibleng mabasted sa Senado

PCOO, Senate, Money

MALAKI ang posisbilidad na hindi makalusot sa senado ang kabuuang P1.9 bilyong panukalang budget para sa 2022 ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) o kaya ay tapyasan dahil sa mga isyung kinahaharap. Sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon mariin nitong kinuwestiyon ang pagkakaroon ng 1,479 contract of service (COS) workers. Nagtataka rin si …

Read More »

Andanar ‘kinastigo’ sa nilikhang PCOO ‘Social Media Office’

Martin Andanar, PCOO, Social Media Office

BUKOD sa kuwestiyonableng pagkuha ng mga empleyado sa ilalim ng contractual system, binubusisi ngayon ng senado kung anong kapangyarihan ang pinagbatayan ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa paglikha ng isang tanggapn na tinawag niyang ‘Social Media Office.’ Ayon kay Senate Minority Franklin Drilon, maituturing na walang legal na basehan at walang kapangyarihan si PCOO Secretary Andanar …

Read More »

Pharmally execs pinipigilan ni Duterte (Sa pagtestigo sa Senado)

Pharmally, Rodrigo Duterte, Richard Gordon, Krizel Mago, Linconn Ong

KOMBINSIDO si Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon na may mga kumikilos para hadlangan ang patuloy na pagtestigo sa komite ng dalawang opisyal ng  Pharmally Pharmaceutical Corporation at kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte. “Sino ba ang nagsasabing principal na pinakamalaking tao na tigilan na ang imbestigasyon? Si President Duterte. Kasama siya riyan e, kasama. Hindi maipaliwanag ni …

Read More »

Gov’t-Pharmally deal kademonyahan – health workers

expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

NAGPUPUYOS sa galit ang hanay ng health workers sa ‘kademonyahan’ na pagbili ng overpriced at substandard medical supplies ng administrasyong Duterte sa pinaborang Pharmally Pharmaceutical Corporation. Nabisto sa mga isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-supply ang Pharmally ng expired face shields at CoVid-19 test kits at P28.72 kada piraso ng face mask sa Department of Health (DOH). …

Read More »

Kadete ng PNPA patay (Sinikmuraan ng upperclassman)

Philippine National Police Academy, PNPA

BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan ng Silang, lalawigan ng Cavite, matapos suntukin sa tiyan ng kanyang upperclassman nitong Huwebes, 23 Setyembre. Kinompirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA public information office (PIO) ang pagkamatay ni Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng PNPA Batch 2024. Ayon sa ulat ng Silang municipal …

Read More »

BBM ‘tiyak’ hahabol sa deadline para maghain ng COC (Para sa national post)

Bongbong Marcos, Elections

SA KABILA ng kaliwa’t kanang endorsement ng ilang grupo para tumakbo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nananatiling tahimik at low-profile habang pinag-aaralan ang lahat ng posibilidad ng pakikipag-alyansa sa darating na halalan. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nagpapasalamat ang dating senador sa dagsa ng suporta mula sa mga kilalang partido politikal, mga pinuno ng barangay, …

Read More »

Duterte swak sa ‘pinaborang’ Pharmally deal (Sa pagpapagamit ng C-130 at)

Pharmally, China, C-130, Navy ship

MAY BASBAS ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagpabor ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation kaya pina­yagan gamitin ang barko ng Philippine Navy at C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) para kunin sa China ang medical supplies na ibinenta sa kanyang administrasyon. Ito ang patutunayan ng Senado na taliwas sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte na walang mali sa …

Read More »

Pharmally exec ‘missing in action’

Krizle Mago missing, Pharmally, Money

ni ROSE NOVENARIO ‘NAWAWALA’ ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na nagsiwalat na ginantso ng kompanya ang gobyerno. “Pharmally Pharmaceutical official Krizle Mago hindi na ma-contact ng Senate Blue Ribbon Committee! Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksiyon ng Senado ngunit nais niya muna raw pag-isipan ito,” ayon kay Sen. Richard Gordon sa …

Read More »

Pag-asa, paghilom (Kailangan ng bansa) – Doc Willie

092421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBALIK ang pag-asa na mapapalitan ng luha ng kaligayahan ang naranasang kapighatian ng bansa sa mga nakalipas na buwan sa pagsabak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa 2022 presidential race. Nakita ito ni Dr Willie Ong kaya pumayag na maging vice presidential running mate ni Moreno sa 2022 elections.         “Yes, I agree to be …

Read More »

‘Face shield’ hindi na kailangan sa labas – Duterte

Duterte, Face shield

HINDI na kailangan magsuot ng face shield kapag nasa labas ng kanilang bahay maliban kung nasa lugar na sarado, siksikan, at may close contact sa ibang tao. Inihayag ito kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People. “I was informed by technical working group and medical experts, puwede na tanggalin sa labas. No more face shields outside. …

Read More »

Forensic audit susudsod sa P8.7-B ibinayad ng Duterte admin sa Pharmally (Follow the money trail)

Duterte, Pharmally, Money

MAGKAKABISTOHAN kung kanino napunta o sino ang mga nakinabang sa P8.7 bilyong ibinayad ng administrasyong Duterte sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para sa medical supplies noong isang taon. Ayon kay Senator Richard Gordon, kukuha ng forensic auditor ang Senado upang matunton kung saan napunta ang bilyon-bilyong pisong ibinayad sa Pharmally na kinukuwestiyon ng mga senador. “Kailangan natin ngayon, kukuha kami ng …

Read More »

Mula Smokey Mountain patungo sa Malacañang (Landas ni Isko sa 2022)

092321 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MULA sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila patungo sa Malacañang. Ito ang landas na nais tahakin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang opisyal na anunsiyo kahapon, bilang 2022 presidential candidate ng partido Aksyon Demokratiko na ginanap sa BASECO Compound sa Port Area, Maynila. “Kaya buong kabababaang loob, inihahayag ko sa darating na Mayo, tanggapin …

Read More »

Yorme Isko — I do not run in promises, i run on prototypes

Isko Moreno

ni REGGEE BONOAN PORMAL ng inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang kandidatura niya sa pagka-Pangulo ng Pilipinas nitong Miyerkoles ng umaga sa pamamagitan ng Facebook Live niya na ginanap sa Baseco compound na ngayon ay tinawag ng Tondominium 1 and 2 at may 229 pamilya and still counting ang nakatira. Isa lang ito sa mga naging proyekto ni Yorme sa ilang taon niyang …

Read More »