Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Jeepney drivers bantay-sarado ng LTFRB vs dagdag-pasahe

SA layuning ma-monitor ang mga jeepney driver at operator na magpupumilit na magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe, nagpakalat ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nakasibilyang mga tauhan sa mga lansangan. Sinabi ni LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera, kahit gaano man kaliit ay walang pahintulot ang ano mang fare increase. Isinagawa ng LTFRB ang pagkilos makaraan ang …

Read More »

4 bata sa DSWD sinaniban ng bad spirits

ILOILO CITY – Magsasagawa ng misa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay makaraan ang ulat na sinaniban ng masasamang espiritu ang mga kabataan na sinaklolohan ng ahensya at pansamantalang nananatili sa CIU sa Brgy. San Pedro, Molo malapit sa regional office ng DSWD. …

Read More »

DoTC binatikos ng consumers

BINATIKOS ng isang consumer bloc ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ukol sa pagpirma sa isang kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit, at ng AF Consortium para sa ticketing system project na umano’y kabilang sa napakaraming iregularidad ukol sa bidding. Tila nauulit muli ang kasaysayan, ang mga opisyal ng DoTC at ilang opisyal ng …

Read More »

Marcos heirs, in-laws absuelto ng Korte Suprema (Kapalpakan ng PCGG, OSG kinastigo )

BINASTED ng Korte Suprema ang lahat ng kaso laban sa mga tagapagmana at in-laws ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand  E. Marcos dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya kasabay ng pagkastigo sa mga prosecutor ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at  Office of the Solicitor General (CSG) dahil sa palpak na mga ebidensiya at kaduda-dudang paghawak ng kaso. …

Read More »

Iregularidad sa raffle promo ng Solaire Casino

PITONG araw ang ibinigay na palugit ng Department of Trade and Industry (DTI) para simulan ang imbestigasyon sa inirereklamong iregularidad sa raffle promo ng isang malaking Casino sa Parañaque City. Sa DTI Endorsement Letter na ipinadala ni Consumer and Trade Policy Division officer-in-charge Gerald Calderon kay Asst. Regional Director Ferdinand Manfoste ng DTI National Capitol Region (NCR), agad pinaaaksyonan ng …

Read More »

Maniningil ng P8.50 sa jeepney ngayon tanggal-prangkisa

HINDI mangingimi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin at kanselahin ang prangkisa ng mga jeep na pwersahang magtataas ng pasahe simula ngayon Lunes. Sa panayam, nanindigan si LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera na parurusahan ang mga driver ng jeep na magtataas ng pasahe. Ito’y sa harap ng banta ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) …

Read More »

Jackpot sa 6/55 P190-M na

PINAALALAHANAN  ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Rojas II, ang mga mananaya na pumila ng maaga sa mga lotto outlet dahil sa pagdagsa ng mga mananaya na makuha ang mahigit P190 milyong premyo ng 6/55 Grand Lotto ngayong gabi (Lunes) . Ani Rojas, inaasahan na ang mahabang pila sa mga lotto outlet makaraang wala isa mang …

Read More »

Global City sinalakay ng salisi

PROBLEMA na sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig, ang paglaganap ng “Salisi Gang”  na kalamitang nabibiktima ang mga dayuhang turista, mga negosyante, at executives. Naghain ng reklamo sa Taguig Police si Carlex Randolph  Jose, 46, sales executive ng Nestle Philippines sa Cebu, na dumalo sa taunang convention ng kanilang kompanya, na nabiktima ng salisi gang nang kumain sa food …

Read More »

‘Tirador’ ng tserman sa Caloocan todas sa barilan

PATAY ang isang 37-anyos  mister, makaraang makipagputukan nang sitahin ang kanyang bitbit na baril, habang umaaligid sa  tapat ng   barangay hall, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Dead on the spot si Sandy Raymundo, alyas Palaka, 37, ng Libis St., Brgy. 55, ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa katawan. Sa ulat ng pulisya, dakong …

Read More »

Nag-akusa kay DepCom. Nepomuceno nasa ‘hot water’

Posibleng makulong at madawit sa kasong libelo si Lamberto Lopez, matapos niyang umatras at akusahan ang isang Customs deputy commissioner na nasa likod ng paninira sa kapwa deputy commissioner na si Jesse Dellosa. Sa panayam kay Atty. JV Bautista, abogado ng inaakusahang si  Customs deputy commissioner Ariel Nepomuceno, maaaring napuwersa ng ilang grupo si Lopez na iatras ang naisampang kaso …

Read More »

PD ng PNP CamSur sinibak sa masaker

LEGAZPI CITY – Tuluyan nang sinibak sa pwesto ang provincial director ng Camarines Sur. Sa ulat, mismong si Philippine National Police (PNP) Regional Director Victor P. Deona ang nagkompirma sa pagkakatanggal sa pwesto ni Camarines Sur-PNP Provincial Director, Senior Supt. Ramiro Bausa kahapon ng umaga. Sinasabing ang relieve order ay may kaugnayan sa nangyaring massacre sa Caramoan Islands sa Camarines …

Read More »

Wanted sa pagpatay timbog sa pagnanakaw

RIZAL – Nagwakas ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang suspek sa pagpatay sa Malolos, Bulacan nang madakip sa kasong pagnanakaw at nakilala ng anak ng kanyang biktima sa Antipolo City. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang suspek na si Roel Segobia alyas Dodong, 36, residente ng Purok 2, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot ng nasabing …

Read More »

Parag-uma todas sa suwagan ng 2 kalabaw

LEGAZPI CITY – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang magsasaka nang pagtulungan ng nagsusuwagang dalawang kalabaw sa bayan ng Magallanes, sa lungsod ng Sorsoson. Kinilala ang biktimang si Nestor Buenaflor, 63, ng Brgy. Siuton sa nasabing bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang kalabaw nang bigla na lamang mag-huramentado nang makasalubong ang isa pang kalabaw. Kasunod nito, …

Read More »

Hepe, 11 pulis ng San Juan Batangas inasunto sa NAPOLCOM (Sa pagtatanim ng ebidensiya)

SINAMPAHAN ng reklamo ang hepe ng San Juan Police sa lalawigan ng Batangas, at 11 niyang mga tauhan bunsod ng sinasabing pagtatanim ng ebidensya sa hinuli nilang isang lalaki sa kasong paglabag sa Sections 12, Art. II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. Ang mga sinampahan ng kasong “planting of evidence” sa National Police …

Read More »

Ex-hubby ni De Lima hugas-kamay sa NBI-Napoles meeting

HUGAS-KAMAY ang dating asawa ni DoJ Secretary Leila de Lima kaugnay sa alegasyong siya ang nasa likod ng paki-kipagpulong ni Janet Lim-Napoles kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas. Inihayag ni Atty. Pla-ridel Bohol, nagtungo siya sa NBI upang magpaabot ng pagbati kay Rojas na katatapos lamang magdiwang ng kaarawan. Giit ng abogado, kumakain lamang silang dalawa …

Read More »

Peace Pact ‘inulan’ ng bato sa sagupaan ng KM vs Muslim

SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ng magkabilang-panig sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kasama sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos-Deles, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Governor Mujiv Hataman at GPH Peace Panel Chairperson Professor Miriam Coronel-Ferrer. (JACK BURGOS) KASABAY nang paglagda sa Comprehensive Agreement on …

Read More »

Kahirapan talamak sa Mindanao (Palasyo aminado)

NAKIPAGPALITAN ng kuro-kuro si Pangulong Benigno Aquino III kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad Ebrahim sa courtesy call sa President’s Hall ng Malacañang Palace kahapon. Nagtungo sa Palasyo ang grupo ng MILF para sa paglalagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) kahapon. Kasama ng Pangulo sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Presidential Adviser on the Peace …

Read More »

7-anyos nene utas sa boga ng senglot na tatay

PATAY ang 7-anyos batang babae nang aksidenteng mabaril ng kanyang ama sa Negros Occidental kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Western Visayas Regional Hospital ang bata na tinamaan ng bala sa likod at tumagos sa kanyang kidney. Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms ang 44-anyos ama ng bata na hindi muna pinangalanan. Batay sa ulat, naganap ang insidente …

Read More »

Illegal possession of firearms vs Tiamzons

INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa top leaders ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Benito Tiamzon, asawa niyang si Wilma Tiamzon at limang iba pa. Ito ay makaraan silang isalang sa inquest proceedings. Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, naki-taan ng probable cause at sapat na mga …

Read More »

OFW pinugutan katawan missing

BACOLOD CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang katawan ng overseas Flipino worker (OFW) mula sa Negros Occidental, makaraan mapaulat na missing ngunit pagkalipas ng ilang araw ay natagpuan ang kanyang ulo. Napag-alaman, nawala ang biktimang si Maribel Alpas, 32, ng Brgy. Asia, Hinobaan, Negros Occidental noong Marso 21, at Marso 25 nang natagpuan ang kanyang ulo sa …

Read More »

Kompanya ni Cedric sinampahan ng P194-M tax case

SINAMPAHAN ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang kom-panya ng negosyanteng si Cedric Lee na Izumo Contractors (IZUMO) Inc., dahil sa hindi pagbabayad nang tamang buwis para sa taon 2006, 2007, 2008 at 2009. Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 ang kahaharapin ng mga …

Read More »

Heavy equipment kailangan ng BFAR sa ‘Yolanda’ rehab

KINOMPIRMA ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Asis G. Perez na lubhang kailangan ang sari-saring heavy equipments para sa programang rehabilitasyon ng mga nasalantang bukid at niyugan sa Region 8. Partikular na tinukoy ni Asis—Special Supervising Officer ng Department of Agriculture (DA) para sa rehabilitasyon sa Samar, Biliran at Leyte—ang mga 120hp tractors at dump trucks …

Read More »

Retratista todas sa tandem

NALAGUTAN ng hininga ang freelance photographer makaraan pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Kalawitan, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Ang biktimang si Crisostomo “Boy” Toledo, 45, residente ng nabanggit na lugar, ay tinamaan ng pitong bala sa ulo at katawan. Sa imbestigasyon ng pu-lisya, dakong 8 p.m. habang pauwi ang biktima …

Read More »