P183-M pork barrel kickback ni Jinggoy kompiskahin (Hiling ng Ombudsman sa Sandiganbayan)

jinggoy estradaHINILING ng Ombudsman sa Sandiganbayan na kompiskahin pabor sa pamahalaan ang P183 million mula sa nakakulong na si Sen. Jinggoy Estrada, sinasabing kinita ng senador bilang kickbacks sa maanomalyang mga proyekto na pinaglaanan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang sa pork barrel.

Ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, layunin ng kanilang inihain na mosyon ay upang matiyak na maibalik sa pamahalaan ang pera sa oras na mapatunayang guilty sa kaso ang senador.

Si Estrada ay kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame bunsod ng kinakaharap na kasong plunder sa Sandiganbayan.