This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINDI makatingin at walang mukhang maiharap ang isang misis makaraan ireklamo ng kanyang mister nang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki sa loob ng kanilang kwarto sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ang ginang na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad upang mapangalagaan ang pangalan ng kanyang mga anak, ay nagtatalak sa barangay hall nang dalhin ng mga tanod dahil sa reklamo ng mister na itinago sa pangalang Rey.
Habang panay ang pangako ng kalaguyo ng misis na kinilala sa alyas na Jay, na hindi uli mangyayari ang ginawa nila sa loob ng kwarto sa bahay ni mister.
Sa reklamo ng mister, tuwing ika-15 ng buwan lamang siya umuuwi sa kanilang bahay mula sa kanyang trabaho sa Batangas para may maipakain sa kanyang misis at tatlong mga anak.
Sa tuwing umuuwi aniya siya ay may napapansin siya sa kanyang misis na kakaiba dahilan upang maghinala bukod sa mga naririnig niyang tsismis sa kanilang mga kapitbahay.
Ayon sa mister, ilang gabing hindi siya pinatulog ng pag-aalala na may ginagawang milagro ang kanyang misis kaya’t kamakalawa ng gabi ay nagpasya siyang sorpresang umuwi sa kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto ng kanilang kwarto ay nakita niya ang kanyang misis na nakikipagtalik sa ibang lalaki dahilan upang sumigaw si Rey na nakatawag ng pansin sa kanilang mga kapitbahay. Agad nagresponde ang mga tanod at dinala sa barangay hall ang tatlo.