This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAYUPING parang lata ang isang kotse makaraan sampahan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muñoz northbound sa Quezon City kahapon.
Ayon sa saksing si Wilfredo Ramos, pakanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang magpreno ang Cher bus sa harapan. Bunsod nito, bumangga ang kotse sa naturang bus.
Ngunit dahil mabilis ang takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa ito sa likuran ng Toyota Vios.
Halos isang oras na naipit ang driver ng kotse na si Marcelino Umali Jr., bago nahugot.
Sa kabila nang matinding pagkayupi ng kotse, kaunting sugat lamang ang nakita sa driver at may malay nang ilabas at isakay sa ambulansya.
Habang kinilala ang bus driver na si Edgardo Lilis. Giit niya, nawalan siya ng kontrol dahil nawalan ng preno ang sasakyan kaya naaksidente.
Nilinaw niyang hindi siya tumakas kundi nagpasyang dumiretso na lang sa Traffic Sector 6. Natakot din aniya siyang kuyugin ng mga tao sa lugar. Hawak na rin ng mga awtoridad ang kundoktor.