Skip to content
SUGATAN ang isang residente makaraan masunog ang tatlong kabahayan kahapon sa Quezon City.
Kinilala ang sugatan na si Luzviminda Dela Cruz, 54, ng 77 K-6th Street, Brgy. Kamuning.
Ganap na naapula ng mga bombero ang sunog dakong 3:22 pm.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng sanhi ng nasabing insidente.