2 high ranking NPA officials tiklo sa Davao Sur  

npa davao
ARESTADO ang dalawang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa pinagsanib na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Matanao, Davao del Sur.

Kinilala ang mga suspek na si Raunil Nodalo Mortejo, commander ng NPA unit na Pulang Bagani Command, at  Jasmin Castor Badilla alyas Antali, pinuno ng regional medical staff ng NPA 10th Infantry Division.

Naaresto ang dalawa sa Brgy. Sinaragan sa bisa ng arrest warrant kaugnay ng patong-patong na kasong kriminal na pagdukot, pagnanakaw at pagpatay.

Narekober mula kina Mortejo at Badilla ang iba’t ibang uri ng pampasabog, baril at mga bala.