This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BAGAMA’T nagtakda na ng bagong petsa para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections, nilinaw ng Comelec na hinihintay pa rin nila ang SK postponement law.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. James Jimenez, habang wala pang pirma ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukalang pagpapaliban ng SK election ay minabuti nilang ilipat ito mula sa Pebrero 21 sa Abril 25 ngayong taon.
Ayon sa opisyal, walang kapangyarihan ang Comelec na ipagpaliban ang SK elections hanggang sa susunod na taon ngunit may awtoridad silang palawigin ang panahon para sa paghahanda sa nasabing halalan.