Thursday , August 18 2022

3-anyos patay sa SUV

082914 dead babyPatay  ang isang 3-anyos paslit makaraan mahagip ng isang nag-overtake na sport utility vehicle habang tumatawid sa kalsada kasama ang kanyang ina at kapatid kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Erickson Dacanay, naganap ang insidente dakong 4 p.m. habang tumatawid ang biktimang si Julius Jacobe, 3, ng 2257 Int. Felipa St., Sampaloc, Maynila sa panulukan ng Blumentritt Extension at Ilaw ng Nayon St., Sampaloc, Maynila, habang hawak sa kamay ng kanyang inang si Xysa Damaso kasama ang isa pang anak.

Nasa center island na ang mag-iina nang  dumating ang isang Mio Sport motorcycle (1482 PF) na minamaneho ni Rodolfo Pascua, 54, residente ng 991 B, Int. 3 Dagupan St. Tondo, Maynila. Ngunit nag-overtake sa motorsiklo ang isang Isuzu IPV (WRX-396) na minamaneho ni Alfredo de los Santos, 51, ng 22 Botocan St., Araneta Avenue, Quezon City, at nasagi ang biktima.           

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Leave a Reply