Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

125 preso nag-hunger strike sa CDO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa Cagayan de Oro-Lumbia City Jail sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y bunsod ng isinasagawang hunger strike ng 125 inmates na mga miyembro ng grupong tinaguriang “Batang Mindanao” (BM-29) sa nasabing kulungan. Inihayag ni City Jail Warden Supt. Erwin Kenny Ronquillo, totoong hindi tinanggap ng …

Read More »

P50 pusta ‘di binayaran padyak boy tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng 32-anyos  pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakapustahan sa labanang Pacquiao- Bradley kamakalawa ng hapon,  sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo General Hospital (TGH) ang biktimang kinilalang si Jonathan Parcia, 32,  residente  ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing  lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan. Agad naaresto …

Read More »

Pulis sugatan sa amok

SUGATAN ang pulis Quezon City makaraang saksakin ng nirespondehan niyang amok, kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), sugatan si PO3 Norberto Mamac, 51,  nakatalaga sa QCPD Kamuning Police Station  10, at naaresto agad ang suspek na si Moises Redoble, 32, residente ng Sierra Monte Mansion Road,  Filinvest, Cainta, Rizal. Sa imbestigasyon, dakong …

Read More »

2 senglot todas sa duelo

RIZAL – Kapwa patay ang dalawang lasing na lalaki makaraan mag-duelo sa patalim nang magkapikonan dahil sa masamang tingin kamakalawa ng gabi sa Antipolo City. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang dalawa na sina Aian Camince, 26, security guard, at Joebert Valenzona, 29, kapwa residente ng Sitio Kamias 2, Brgy. Mambugan, Ayon sa pulisya, naganap ang …

Read More »

Marantan, 12 pulis sinibak sa Atimonan case

SINIBAK na sa serbisyo ang 13 pulis, kabilang ang sugatan na si mission commander Hansel Marantan, kaugnay sa naganap na Atimonan  rubout nitong Enero, 2013. Ang 13 ay napatuna-yang guilty sa “serious irregularity in the performance of duty,” ayon sa March 5 decision na nilagdaan ni Philippine National Police chief, Director General Alan Purisima. Magugunitang 12 ka-tao, kabilang ang environmentalist …

Read More »

Magsasaka, baboy todas sa koryente (Nagpaligo ng mga alaga)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang tangkain saklolohan ang kanyang mga alagang baboy na nakoryente sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela. Kinilala ang biktimang si Mark Jay Abon, 20, may-asawa, magsasaka at residente sa  nasabing lugar. Si Abon ay nagtungo sa kanyang piggery ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay upang linisin ang kulungan ng kanyang mga …

Read More »

Pag-ibig mensahe ng Palm Sunday – Tagle

BINASBASAN ng pari ang mga palaspas ng mga deboto bilang hudyat ng Semana Santa sa Redemptorist Church, Baclaran, Paranaque City. (JIMMY HAO) MAS mabibigyan nang kabuluhan ang paggunita ng mga mananampalataya ng Semana Santa sa pamamagitan nang pagtulong sa kanilang kapwa. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababayan na isabuhay ang mga aral hinggil …

Read More »

Laptop bawal sa Bar exam-SC

HINDI  pinayagan  ng  Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations. Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan  ng isang  Cora C. Amarga na pahintulutan  ang paggamit ng laptop ng mga examinee. Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan  upang  pagbigyan  ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang …

Read More »

8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

DAVAO CITY – Patay ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, habang 14 ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa bahagi ng Ma-a Diversion road  dakong 8 p.m. kamakalawa. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga ang mga sasakyang sinusundan kabilang na ang puting Tamaraw FX na may lulang 15 katao. Kinilala ang …

Read More »

Panalo ni Pacman simbolo ng pagbangon (Ayon sa Palasyo)

TUWANG-TUWA na iwinagayway ng dalawang bata ang watawat ng Filipinas nang manalo si Manny “Pacman” Pacquiao sa laban kay Timothy Bradley, na pinanood nila sa Baclaran Elementary School-Central covered court kahapon. (JIMMY HAO) ITINUTURING ng Palasyo ang tagumpay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley bilang simbolo ng pagbangon ng bansa, makaraan ang su-nod-sunod na kalamidad noong nakaraang …

Read More »

Hiling na TRO ng kampo ni Lee tablado sa CA

BIGO ang kampo ni Cedric Lee na mapatigil ang pagdinig ng Department of Justice ) (DoJ), sa kinakaharap na kasong serious illegal detention and grave coercion na isinampa ng actor/TV host Vhong Navarro. Ito’y matapos na hindi magpalabas ang Court of Appeals ng temporary restraining order (TRO) na hinihingi ng kampo ni Lee. Sa halip, binigyang-pagkakataon ng CA ang DoJ …

Read More »

2 anak ini-hostage ni tatay (Ayaw magbasa ng Koran)

DAHIL sa hindi pagsunod sa kagustuhang magbasa ng Koran ang kanyang dalawang anak na lalaki, nagalit at ginawa silang hostage ng kanilang ama, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Kinilala ang suspek na si Jojo Mariano, 30-anyos, ng Katapatan st., Brgy. Muzon, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong child abuse. Ligtas na ang magkapatid na sina Michael Jojo,11,  at …

Read More »

Anak ini-hostage ama kalaboso

MAKARAAN ang walong oras na pag-hostage sa isang taon gulang na anak, sumuko ang isang lalaki sa Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat. Nasa kustodiya na ng Isulan Police ang hostage taker na amang si Kadape Mupac. Batay sa report ng pulisya, nagwala ang suspek nang maaburido dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang misis na si Sagera Kumboto, kaya ini-hostage …

Read More »

Kapatas utas sa huling hapunan

PATAY ang construction foreman nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek,  habang naghahapunan kasama ang kanyang misis sa loob ng bahay, sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Dead on the spot ang biktimang kinilalang si  Cerilo Reyes, 43-anyos, ng Pabahay Site, Dulong Sampaguita st., Brgy. Tanza, ng nasabing lungsod sanhi, ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng …

Read More »

3-anyos tostado sa sunog

NALITSON nang buhay ang 3-anyos totoy nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Alab, Arakan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. Ang biktimang si Riezel Bangoy ay namatay nang ma-trap sa kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Ayon kay Leo Arandilla, may-ari ng bahay at kapitan sa nasabing barangay, nawalan ng koryente sa kanilang lugar kaya gumamit sila ng …

Read More »

2 empleyado ng city hall kulong sa rape

KALABOSO ang  dalawang kawani ng Navotas City hall nang kanilang ilabas sa selda ang  isang dalagitang inmate na kanilang paulit-ulit pinagparausan, sa Navotas city, iniulat kahapon. Rape in relation to Republic Act 7610 ang kinakaharap ng mga suspek na sina Inri Moises Siochi at Ronald Jordencio, nakata-laga sa Task Force Disiplina (TFD) ng nasabing lungsod. Sa ulat ng Women and …

Read More »

PH-US deal posibleng malagdaan na

INAASAHANG lalagdaan na ng Filipinas at United States ang military deal o ang kasunduan sa Enhance Defense Cooperation (EDC) sa Abril 28 o 29 kasabay ng pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa. Ngunit nilinaw ng Malacañang na hindi kailangan madaliin ang pagsumite ng nasabing draft para sa pagrepaso ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Defense Undersecretary …

Read More »

Cavite PPO blanko pa rin sa killer ng lady reporter

SA kabila ng pagtutok nang mahigit sa 200 pulis mula sa Cavite Police Provincial Office (PPO), bigo pa rin makilala at maaresto ang tunay na responsable sa brutal na pagpatay sa tabloid correspondent na si Rubie Garcia sa Bacoor, Cavite, noong Abril 6. Una nang inihayag ni Cavite PPO director, Sr. Supt. Joselito Esquivel na agad siyang bumuo ng team …

Read More »

Bradley KO kay PacMan (Palasyo ‘pumusta’)

UMAASA ang Palasyo na mapatutumba ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang katunggaling si Timothy Bardley, Jr., sa kanilang rematch ngayon sa Las Vegas, Nevada. “Ang mensahe po natin doon sa Pambansang Kamao ay umaasa po tayong isa na namang pagtumba ang mangyayari at mananaig. Confident tayo na mananaig si Manny Pacquiao over Timothy Bradley,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. …

Read More »

P20-M patong vs Tiamzons isinubi ni Gazmin, Roxas (Bayan Muna Rep. hinamon ng Palasyo)

HINAMON ng Palasyo si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na maglabas ng katibayan sa kanyang alegasyong ibinulsa ng dalawang miyembro ng Gabinete ang reward money para sa pagdakip sa matataas na opisyal ng kilusang komunista sa bansa. Kinuwestiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang batayan ni Zarate sa pagbibintang kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior Secretary Mar Roxas …

Read More »

Cabañero inasunto ng pageant organizer

Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero. Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon  danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro. Nakasaad sa kasong …

Read More »

Bading na pulis itinalaga sa Agusan checkpoint

BUTUAN CITY – Umani ng positibong reaksyon at komento mula sa mga sibilyan, mga motorista at kahit sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang nag-click ngayon na “gay initiative” na ini-adopt ng mga tauhan ng 133rd Regional Public Safety Company (RPSC) na idine-deploy sa kanilang checkpoint sa Agusan del Sur. Napag-alaman, dahil sa layunin ng Philippine National Police (PNP) na …

Read More »

Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem

AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, …

Read More »