This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CAUAYAN CITY, Isabela β Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Solano, Nueva Vizcaya sa pagkamatay ni Fiscal Samuel Dacayo na namatay makaraan isugod sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.
Hindi pa mabatid kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa sinasabing siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo habang unang napaulat na siya ay binaril ng isang suspek pagdating sa kanilang bahay kamakalawa upang mananghalian.
Si Prosecutor Dacayo, nakatalaga sa Nueva Vizcaya Provincial Prosecutorβs Office, ay pinsan ni Mayor Philip Dacayo ng Solano, Nueva Vizcaya.
AyonΒ kay Chief Insp. Chivalier Iringan, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), hindi pa sila makapagbigay ng pahayag kung nagpakamatay o may bumaril kay Atty. Dacayo dahil hinihintay pa nila ang resulta ng paraffin test sa kanya, sa kanyang kapatid at ilan pang kasama sa kanilang bahay sa Brgy. Roxas, bayan ng Solano.