Cancer patient namatay sa ere

112514 deadISANG 35-anyos babae na sinabing cancer patient ang namatay habang lulan ng eroplano pabalik sa Maynila mula Osaka, Japan, iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon.

Kinilala ang pasahero na si Loida Barrantes Miyaoka, natagpuang walang buhay sa dulo ng upuan ng Jetstar flight 3K764, ng flight attendants nitong Linggo ng hapon.

Ang pasyente ay nagpunta sa Japan para magpagamot, ayon na rin sa airline staff.

Hindi naman masiguro ng MIAA kung saan eksaktong lugar namatay ang pasahero na nakitang nakahandusay sa kanyang upuan.

Ang labi ni Miyaoka ay ibinigay ng airline personnel sa kaanak na nakaantabay sa kanyang pag-uwi.Β 

Gloria Galuno