This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KORONADAL CITY – Tatlo ang patay makaraan pangha-harass ng grupong New People’s Army (NPA) sa isang detachment na sinundan nang pagpapasabog ng landmine dakong 2 p.m. kamakalawa sa Sitio Datalbiao, Brgy. Danlag, Tampakan.
Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Arnel Inonaria at Cpl. Mark Casipe, kapwa mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion ng Philippine Army, at ang CAFGU na si Mark Lozaga.
Ito ang kinompirma ni Lt. Col Ronald Jess Alcudia, battalion commander ng 27th Infantry Battalion (IB), Philippine Army.
Ayon kay Alcudia, isang miyembro ng CAFGU at dalawng sundalo ang namatay habang 11 ang mga sugatan na unang dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.
Habang inilipat ang iba sa kanila sa lungsod ng General Santos at Davao.
Nabatid na nagresponde ang 27th IB sa naturang lugar para sa clearing operations makaraan ang pag-atake ng mga rebelde sa detachment.
Pagdating sa bahagi ng Sitio Kampo 2, Brgy. Danlag, sumabog ang itinanim na landmine ng mga rebelde.
Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga militar laban sa rebeldeng grupo.