This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAKATAAS sa red alert status ng Kidapawan City, Cotabato province dahil sa banta ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang red alert ang pinakamataas na security alert status sa military at police.
Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagbanta ang BIFF na maglulunsad sila ng pag-atake sa Kidapawan dahil humingi ng tulong si Gov. Emmylou TaliΓ±o-Mendoza sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Itinanggi ito ng governor at sinabing wala siyang kinalaman sa banggaan ng dalawang grupo.
Nitong weekend nagkaroon ng hiwalay na engkwentro ang BIFF sa Armed Forces of the Philippines at MILF sa Pikit, North Cotabato at Pagalungan sa Maguindanao.
Ayon sa militar, bagamaβt magkahiwalay ang kanilang operasyon ay nakipag-ugnayan sila sa MILF.
Sinabi ng MILF na nilalabanan nila ang BIFF dahil sa pagkondena sa terroristic acts ng grupo.
Ipinag-utos na ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ipagpatuloy ang military operations sa North Cotabato kontra BIFF.