Sunday , August 14 2022

Lola ni Pacquiao pumanaw na


022015 Manny Pacquiao pacman pray

NAGLULUKSA ang pamilya ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil sa pagpanaw ng lola niya sa General Santos City.

Miyerkoles, Pebrero 18, nang pumanaw si Cristina Dapidpiran, ang ina ni Mommy Dionesia Pacquiao, sa edad na 92 dahil sa pulmonya.

Dagsa na ang mga nakikiramay sa pamilya habang hinihintay pa ang pagdating doon ng Filipino boxing icon.

Matatandaan, sumabak pa si Pacquiao sa basketball game nitong Miyerkoles ng gabi at nanalo ang kanilang koponan na KIA.

Bagama’t nagdadalamhati si Mommy D sa pagpanaw ng ina, hindi pa rin niya mabigyang atensyon ang burol dahil napaulat na kailangan pa niyang tapusin ang shoot para sa isang endorsement na una nang nakompromiso.

Nakaburol ang labi ng lola ni Pacquiao sa Saint Peter’s Chapel sa National Highway sa Brgy. Apopong.

Wala pang itinatakdang petsa kung kailan ililibing ang lola ng boksingero.

 

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply