Gown ng kaklase sumabit sa motor estudyante patay (Mula sa JS Prom)

112514 deadNAGA CITY – Hindi na makaga-graduate ang isang estudyante nang mamatay sa freak accident habang pauwi mula sa dinaluhang JS Prom sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jasmine Augusto, 16-anyos.

Ayon kay PO2 Emirose Organes, pasado 1:50 a.m. nang makauwi mula sa JS Prom sa Naga City si Augusto kasama ang 16-anyos kaklaseng si Bernadette Abainza.

Minabuti ni Abainza na magpasundo sila sa kapatid na si Christian, 17, gamit ang motorsiklo.

Habang umaandar ang motorsiklo, hindi napansin ni Abainza na sumabit at pumulupot sa kadena ng motorsiklo ang kanyang gown dahilan upang mawala sa balanse ang sasakyan.

Nahulog sa motorsiklo ang dalawang dalagita ngunit lubhang napinsala ang ulo at katawan ni Augusto na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.