This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PITONG pasahero ang sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa EDSA southbound, ilalim ng MRT Ortigas Station, bago mag-5 a.m. kahapon.
Sangkot ang mga bus na mula sa Nova at Roval bus companies.
Reklamo ng mga nasugatan, biglang huminto ang Nova bus sa ilalim ng MRT station kaya bumangga ang nakabuntot na Roval bus na matulin din ang takbo bago nangyari ang insidente.
Lima sa mga nasugatan ay mula sa Roval bus habang dalawa sa Nova bus. Karamihan sa mga sugat ng mga biktima ay sa ulo at mukha.
May mga ilan pang nasaktan ngunit hindi na sila nagpadala sa ospital dahil nagmamadali at may pasok sa trabaho.
Agad sinagot ng pamunuan ng Roval bus ang pagpapagamot sa pitong dinala sa East Avenue Medical Center.