This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang vendor habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang isang tinedyer makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang lalaki ang isang public playground sa Baseco Compound, Tondo, Maynila kamakalawa
Kinilala ni PO2 Dennis Turla ng MPD Homicide Section, ang biktimang namatay na si Louie Adion, 43, ng Block 15, Baseco, Compond, habang isinugod sa pagamutan si Christopher Atamosa, 18, construction worker, ng Block 7, Baseco Compound.
Sa ulat ni Turla, dakong 8:15 p.m. bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang public playground sa Block 15 at tinamaan ang mga biktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.