Friday , June 2 2023

Pangasinan mayor sinibak sa dual citizenship

manolito de leonDAGUPAN CITY – Iniutos ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggal sa puwesto kay Basista Pangasinan Mayor Manolito de Leon makaraan aprobahan ang kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) niya sa pagtakbo sa puwesto noong 2013 dahil sa pagiging American citizen.

Sa resolusyong ipinalabas noong Enero 27, inihayag ng Comelec na si De Leon ay diskwalipikado at pinagbabawalan na ring tumakbo at humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

Kasabay nito, idineklara ang isa sa dalawang nakatunggali niya na si Jocelyn O. Perez, bilang bagong elected mayor.

Nabigyan na rin ng kopya ng resolusyong ipinalabas at nilagdaan nina Commissioners Elias R. Yusoph, Luietito Z. Guia at Arthur D. Lim, ang bagong alkalde nito lamang Pebrero 11 ng taon kasalukuyan.

Inatasan na ng Comelec ang local Comelec office ng Basista na bumuo ng Special Board of Canvassers para muling magpulong sa pagproklama kay Perez bilang newly elected municipal mayor.

Ang naturang disqualification case ay isinampa noong Mayo 6, 2013 laban kay De Leon dahil sa pagkakaroon niya ng dual citizenship na paglabag sa Local Government Code ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *