MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng fan meet at concert ang tambalang MhaLyn o sina Mhack at Analeng na sikat na sikat sa social media. Magaganap ang fan meet at concert sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao sa Sept. 30 at Oct. 1. Espesyal na panauhin ng mga ito ang boy group na MagicVoyz, Sherwina & Jovan David, Miia Bella, Megan Marie, Karen Lopez, Margaret Sison, Paula Santos, …
Read More »Serena Dalrymple buntis sa kanyang second baby
MATABILni John Fontanilla PROUD na proud ang dating child star na si Serena Dalrymple na ipinasilip sa kanyang Instagram ang pagbubuntis sa kanyang pangalawang anak sa asawang si Thomas Bredillet. Sikat na sikat na child star noon si Serena na kalauna’y biglang nawala sa sirkulasyon at nabalitaan na lang na nasa Amerika at ‘di na bumalik sa pag-aartista. Roon na kasi ito nanirahan at nagka-asawa. …
Read More »InnerVoices/Neocolours dinagsa back2back show sa Noctos
MATABILni John Fontanilla SRO ang katatapos na back to back show ng Innervoices at Neocolours sa Noctos Music Bar sa Scout Tuazon, Quezon City noong September 6. Iba talaga ang hatak ng InnerVoices sa mga tao plus may Neocolours na may hatak din sa masa dahil sa kanilang hit songs. Katulad ng kanilang mga nakalipas na shows nag-enjoy nang husto sa kanilang mga awitin ang …
Read More »Will Ashley ‘di mapigil ang pagsikat
MATABILni John Fontanilla HINDI na talaga maaawat ang pagsikat ng Kapuso teen actor at tinaguriang Nation’s Son na si Will Ashley dahil sunod-sunod ang proyektong ginagawa nito ngayon. Isa na ang Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment present movie na Love You So Bad na pagbibidahan nila ng mga co ec-PBB Collab housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera. Ang pelikula ay ididorehe ni Mae Cruz-Alviar at isinulat ni Crystal Hazel …
Read More »Sylvia, Arjo dinidikdik
PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA mas lalo namang naglalabasan ang mga photo and video ng sinasabing umano’y mga travel abroad, helicopter, mga sinasabing mansion at bahay bakasyunan ng Atayde family. At dahil si Cong, Arjo Atayde nga ang nasa politika at isinangkot ng Discaya couple bilang tumanggap din daw ng milyones na “lagay,” kaugnay ng flood control projects, ito ang nadidikdik, kasama ang negosyante niyang …
Read More »Heart nanahimik, posting ng trips, bags alahas, damit, sapatos binawasan
PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANG dahil nga sa pagkakatsugi ni Sen. Chiz Escudero bilang Senate President, hindi na rin nagsalita pa ang asawa nitong si Heart Evangelista. Kapansin-pansin nga raw ang biglang pananahimik ng mag-asawa gayung noong mga nakaraang panahon lang ay halos laman din sila ng mga balita. Matapos ngang ipagtanggol mismo ni Ramon Tulfo si Heart matapos itong tawaging “nepo wife” ng mga bashers, wala …
Read More »Jinggoy umalma, sasampahan nagparatang tumanggap ng kickback
PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman si Sen. Jinggoy Estrada sa pagsasabing siya nga ang higit na pinalalabas na “guilty” sa naging akusasyon o pagdawit sa kanya ni Engr. Bryce Hernandez ng DPWH bilang nakatanggap din ng “kickback” sa pinag-uusapang ‘flood control scandal.’ Nang dahil nga sa previous record niya on ‘plunder’ na pinagdusahan niya sa bilangguan ng ilang taon din, siyempre nga naman, madaling mag-wan-plus-wan …
Read More »Amor Lapus, idol na sexy actress si Rosanna Roces
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGBABALIK sa mundo ng showbiz ang sexy actress na si Amor Lapus na pansamantalang nawala sa eksena for health reasons. Ito ang nabanggit sa amin ng napaka-hot na talent ni Jojo Veloso, “Dahil po need ko ingatan ang health ko, nagkaroon po kasi ako ng acid reflux na kailangang ipahinga. Bale naging praktikal lang din …
Read More »Andrea del Rosario, mas mahalagang matokahan ng quality roles
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG versatile actress na si Andrea del Rosario ang isa sa tampok sa bagong TV series na “Para sa Isa’t Isa” ng TV5. Nagkuwento si Ms. Andrea hinggil sa kanilang TV series na tinatampukan nina Krissha Viaje and Jerome Ponce at mula sa pamamahala ni Direk Easy Ferrer. Aniya, “Ang role ko po rito ay …
Read More »Kanta ni Noel Cabangon malaki ang epekto sa buhay ni Cye Soriano
MATABILni John Fontanilla MALAKI ang epekto ng kantang Kanlungan ng folk singer & composer na si Noel Cabangon sa buhay ng tinaguriang Karen Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano. Ito ay ‘yung mga oras na magulo ang pamilya ni Cye at ‘di niya alam kung saan siya pupunta. Na nang mapanood sa MixLive si Noel habang kinakanta ang Kanlungan ay bigla na lang tumulo ang kanyang luha. Kaya naman …
Read More »Luis nagpaalala basura itapon ng tama
MATABILni John Fontanilla NAGPAALALA si Luis Manzano sa publiko na itapon sa tamang basurahan ang kalat pagkatapos mag-scuba diving. Nag-post sa kanyang Instagram si Luis ng larawang kuha nang siya’y mag-scuba diving sa Batangas na maraming basura sa dagat. “Itapon sa tama ang basura natin, iwan naman natin ang kagandahan at kalinisan ng dagat sa mga anak natin,” anang aktor/host. Ilan nga sa komento ng netizens …
Read More »Libro ni Joel Cruz ilulunsad sa SMX Convention Center
MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng book launching si Joel Cruz sa September 12, Friday, 5:00 p.m. sa Vibal Publishing pavilion Hall 2 ng SMX Convention Center. Ang librong ilulunsad ay malaking tulong sa mga taong gustong magnegosyo, ito ay ang Business 101 What Worked for Me. Tamang-tama ang libro sa mga mag-uumpisang o mayroon nang negosyo. Kaya sa mga interesado, halina’t makiisa sa …
Read More »Lea ka-duet sana ni Jose Mari Chan sa Christmas In Our Hearts
MATABILni John Fontanilla ANG Pinay International at award wining singer na si Lea Salonga ang gustong maka- duet ng OPM Icon at itinuturing na King of Christmas song sa Pilipinas na si Jose Mari Chan sa awiting Christmas In Our Hearts. Hindi lang natuloy dahil hindi pumayag ang producer nito dahil ginagawa noon ni Lea ang Miss Saigon. Pero ginabayan daw si Jose Mari ng Holy …
Read More »Ruru sa pagtatapat nila ni Dennis sa Urian: Inspirasyon at hindi kompetisyon
MA at PAni Rommel Placente WAGI si Ruru Madrid nang ma-nominate bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2024 at sa 8th EDDYS, para sa mahusay niyang pagganap sa Green Bones. Na-nominate rin siya sa 73rd FAMAS for Best Supporting Actor para rin sa nasabing pelikula, ‘yun nga lang, hindi siya pinalad magwagi. Sa darating na Gawad Urian, na gaganapin sa October 11, nominado si Ruru para …
Read More »Arjo sa picture kasama ang mga Discaya: It was a quick ‘hi, hello’
MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Instagram Story ay mariing itinanggi ni Cong. Arjo Atayde ang paratang ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, na isa siya sa mga kongresistang sangkot sa umano’y mga kickback mula sa flood control projects. Post ni Cong. Arjo, “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi totoo ang …
Read More »Nicco focus sa career, deadma sa bashing
RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ng Filipino/Italian actor/model na si Nicco Locco na naapektuhan siya ng mga bashin noon pero ngayon, hindi na. “Ngayon? Hindi. Actually, mas motivated na ako. “I used to take it personally kasi and now I’ve realized that they don’t know me personally. They don’t know who I am, I’ve never met them, so lahat tayo may puwet, …
Read More »PBBM, FL Liza pinangunahan Tara Nood Tayo campaign
NANGUNA ang mag-asawang President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos sa paglulunsad ng isang video ng Presidental Communication Office na nag-aanyaya na manood ng pelikulang Pilipino, o ang Tara Nood Tayo campaign. Hinakayat nila ang mga tao kasama ang sikat na producers, directors, artista—Judy Ann Santos, Alden Richards, Kathryn Bernardo, Vic Sotto, at Coco Martin—at iba pang personalidad sa pagtangkilik ng pelikulang Pinoy sa sinehan at …
Read More »Jinggoy at Joel inilaglag ni Hernandez
I-FLEXni Jun Nardo SENADOR naman ang ibinisto sa kasalukuyang nagaganap sa committee hearing ng Congress kahapon. Nitong nakaraang araw, kongresista ang ibinuking ng mag-asawang Curlee at Sarah Dizcaya sa Senate hearing na ang may koneksiyon sa showbiz ay ang kongresistang sina Arjo Atayde at MP Vargas na kapatid ni Konsehal Afred Vargas. ‘Yung ibang idinawit na kongresista ay hindi konektado sa showbiz. Kahapon, namayani ang senador na sina Jinggoy Estrada at Joel …
Read More »Julia iginiit bagamat pumayat, happy at may peace of mind
PUSH NA’YANni Ambet Nabus MEDYO pumayat ngayon si Julia Barretto kompara sa last time namin itong nakita at nakapanayam. Sa launch ng kanyang Bee Bee lip conditioners under Viva Beauty, wala halos make-up ang dalaga. Inialay niya sa kanyang younger sibling ang bagong negosyong pinasok dahil aniya, ang bunsong kapatid ang humimok sa kanya to try engaging into business. Nasa event din …
Read More »Enrique at Franki nagkasundo sa hilig sa diving
PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG may something sweeter going on kina Enrique Gil at New Zealand-Pinay actress, Franki Russell. Napapadalas daw kasi ang sighting sa dalawa at nitong weekend nga ay muli silang magkasama sa isang diving spot sa Bohol. Sa magkaibang post nila ng kanilang photos and videos sa socmed accounts nila, halatang in touch sa sea world ang dalawa. Naging friends …
Read More »Pagkapanalo ni Lucky Robles sa The Clone kinukuwestiyon ng mga netizen
PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kaunting intriga na kinukwestiyon ngayon ng mga loyal at ardent viewers ng Eat Bulaga tungkol sa kanilang The Clone, grand concert last Saturday. Sa naturang grandest grandfinals ng mga “clone singer” ay itinanghal na big winner si Jean Jordan Abina, ang gumagaya kay Karen Carpenter, habang second placer naman si Lucky Robles ang gumagaya kay Gary Valenciano, at si Rouelle Carino ang third placer, ang clone …
Read More »Liza pinanigan ng SC vs COA case
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “This means a lot to me coz inilaban namin talaga.” Ito ang natanggap naming mensahe mula sa dating Film Development Council of the Philippines chair Liza Dino ukol sa kaso ng Commission on Audit (COA) sa paggamit ng pandemic aid sa kanilang mga worker. Kinatigannga ng SC ang petisyon ni Liza na humihiling na baligtarin ang notice of disallowance ng COA …
Read More »Maine ipinagtanggol si Arjo: Wala siyang ginagawang masama
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINEPENSAHAN ni Maine Mendoza ang asawang si Cong. Arjo Atayde sa mga akusasyon ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. Ang pagtatanggol ni Maine sa asawa ay idinaan sa pagpo-post sa kanyang X account. Pagtatanggol ni Maine kay Arjo. ”Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. “I …
Read More »Jerome at Krissha para nga ba sa isa’t isa?
MULING magpapakilig ng mga manonood sina Jerome Ponce at Krissha Viaje sa pamamagitan ng kanilang bagong aabangang serye sa TV5, ang Para Sa Isa’t Isa matapos nilang magpakilig sa digital series na Safe Skies, Archer. Muling maghahasik ng kilig ang KrisshRome sa weekly series na Para Sa Isa’t Isa na prodyus ng MavenPro at Sari-Sari Network, Inc. Ang Para Sa Isa’t Isa ay isang light fantasy-drama na mapapanood simula Setyembre 13 Sabado, 5:30 p.m.. Kuwento …
Read More »Andrew Gan tampok sa “Florante at Laura”, hataw sa iba pang projects
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TAMPOK ang versatile actor na si Andrew Gan sa stage play na “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas. Ayon kay Andrew, hindi ito ang unang stage play niya dahil dati na siyang sumasabak sa teatro. Aniya, “Yes tito. I did Romeo sa Romeo and Juliet na play and Mid Summer Night ni Shakespeare. Bale iyong …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com