Wednesday , June 24 2026
Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista ang itinutulak din sa pagiging loveteam nila na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Dumaan ang mga araw at buwan na sa bawat ginagawa nilang proyekto, mas tumitibay ang kanilang pagsasama.

Teka! Amg pagsasamang ‘yun daw ay bilang magkaibigan. ‘Di nilalagyan ng marka o tatak. 

Kaya rin siguro nagiging matindi ang kilig ng mga manonood sa kanila kasama na ang kanilang mga taga-suportang tagahanga ay wala sa bokabularyo nila ang maging masikreto.

Sa idinaos na pocket presscon nila para sa MMFF 2025 entry ng Regal Films na SRR: Evil Originshindi man diretsahan at tahasang may inaamim ang dalawa, mararamdaman sa kanilang mga salita at kilos na pansin nga ng isanh editor eh “palpable” act.

Palpable kasi it’s, “of a feeling or atmosphere so intense as to see almost tangible.”

Naintindihan?

Si Seth ang  halos umamin na sa damdamin niya para kay Francine. Pero sa salita naman nito, malinaw na dalawang oras sa cellphone at tatlong oras sa harapan nila napag-uusapan ang mga bagay na dapat naman eh, pinaplano. At kung mangyari nga raw ‘yung hinihintay, na marinig ng lahat, he will be the proudest guy in the world.

Sa ngayon, focused sila. At ang laki ng pasasalamat sa Regal Films dahil noon pa man pala eh binabantayan na sila para malinya sa mga kasunod na proyekto rito.

Nasa My Future You pa lang sila, na kasali rin sa Metro Manila Film Festival, sinabihan na sila ni Ms. Roselle Monteverde na  isasama sila sa pagbabalik ng SRR sa MMFF!

Nakatatakot. Mananakot.

Gusto nila ang karakter na ginampanan sa pelikula

Bata pa lang si Fancine, bukas na ang kanyang third eye. Kaya marami siyang bagay na nakikita at nadarama. Sa kalaunan ay  naisara na nito kaya naman, ‘di ito natitinag kung katatakutan din lang ang usapan.

In-enjoy nila ang pagtapos sa pelikula. Although si Seth, ininda ang pisikal na kinailangan sa trabaho niya. Kaya ang tulog niya ay sa sasakyan na lang dahil lagare na sila sa mga madugong araw at gabi sa skeds nila. Pero matutuwa ang producers sa kanila dahil alam nila kung paano mahalin ang trabaho nila.

The movie na  magpapakita sa tatlong magkakaibang panahon ng pagdaong ng  kasamaan sa mundo will take us again on a rollercoaster ride as it takes us to 1764 to the present to the not so distant future of the year 2050!

Mom and son Roselle and Keith are just so proud of the outcome of another special treat for the whole family this Christmas!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …