MATABIL
ni John Fontanilla
TINANGGAP ni Nadine Lustre ang Call Me Mother dahil kay Vice Ganda. Ito ang nalaman namin mula kay Nadine at sinabing wala siyang balak gumawa sana ng filmfest ngayong taon.
Ani Nadine, dahilsa sunod-sunod na taong pagkakaroon ng filmfest entry, naisip niyang ‘wag na munang gumawa. Subalit dahil nga kay Vice Ganda, naengganyo muli siya.
Nabago ang desisyon (gumawa) ni Nadine nang i-pitch sa kanya na muling makakatrabaho niya si Vice Ganda na nakatrabaho na niya noong 2015 sa pelikulang Beauty and the Bestie with Coco Martin.
Kaya umoo na ito kahit di pa ipini-pitch sa kanya kung anong movie ang pagsasamahan nila ni Vice Ganda.
Tsika ni Nadine, “Sobrang excited ako for MMFF. Well, parang every year naman nag-MMFF na ako. Initially, ayoko sanang mag-MMFF this year.
“Pero, nang mag-pitch kasi sila sa akin, sabi nila, kasama si Ate Vice.
“Roon pa lang, hindi pa nga sila nagpi-pitch, sila Direk Jun (Lana), hindi pa sila nagpi-pitch, sinabi lang nila na si Ate Vice ang kasama ko, hindi na ako nag-isip. Sabi ko na lang, ‘Sige, push natin ‘yan!’
“Kasi, gusto ko talagang maka-work si Ate Vice.”
So dahil nga kay Meme Vice, work, work, work muna si Nadine ngayong Pasko.
Magkakasama ang dalawa sa heartwarming movie na Call Me Mother na Pamaskong handog nila sa kanilang mga tagahanga.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com