Thursday , June 4 2026
Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, aliw na binalikan ni Nadine Lustre ang kwento sa likod ng kanyang viral photo na may hawak siyang kilalang brand ng sarsa.

Noong time na raw na ‘yun ay kumakain pa si Nadine ng manok at bumili siya ng sauce sa tindahan para perfect combo sa kanilang pagkain matapos ang ginawang water activity.

“After naming mag-surf ni Chris, ‘yung boyfriend ko, marami kasi sa Siargao ‘yung mga stall ng lechong manok, ‘yun ‘yung una naming nakita. So sabi ko parang hindi complete ‘yung lechon manok ng walang sarsa.

“So nagpunta ako sa tindahan, naghanap ako ng sarsa. Nakakatawa ‘yun kasi nakita ko na ngang nagpi-picture ‘yung ate girl sa likod ng cashier,” sabi ni Nadine.

Noong panahong ‘yun daw ay sobrang pagod na siya at hindi na nag-abala pang sawayin ang babaeng kumuha ng kanyang larawan.

Sa sobrang pagod ko, sabi ko, ‘Sige na nga.’ Kaya ganoon itsura ko eh. Mukha akong nalugi kasi pagod na pagod ako,” aniya pa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …