Thursday , June 4 2026
Edu Manzano Carla Abellana Anne Curtis Dennis Trillo Alden Richards Vice Ganda

Edu, Carla, Anne, Dennis, Alden, at Vice walang tigil sa pag-usig sa mga korap

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HABANG isinusulat namin ang column na ito ay nananalasa sa buong bansa ang  super typhoon na si Uwan.

May mga nakita na kaming video mula sa iba’t ibang lugar na binabayo na nga nito gaya sa Virac, Catanduanes, Camarines Sur, Palawan, Aurora, Quezon at iba pa.

Nakatatakot ang mga nakita naming imahe ng malalakas na hangin at ulan, mga pagbaha at pagtumba ng mga puno, kaya’t ang pagdarasal talaga ang pinaka-kakampi nating lahat.

Sa sunod-sunod ngang pagdating sa atin ng mga kalamidad, hindi talaga maiiwasang magtanong tayo sa gobyerno kung talaga bang ginagawa nila ang lahat para sa mga mamamayan nila?

May mga kilalang celebrities nga tayong halos araw-araw na lang na nakatutok at nananawagan na papanagutin ang mga may sala at may kinalaman kung bakit nakakalbo ang mga bundok, may mga flood control issue, mga anomalya at korapsiyon at iba pang may public service item.

Kaya naman saludo tayo sa mga gaya nina Edu Manzano, Romnick Sarmenta, Carla Abellana, Vice Ganda, Alden Richards, Anne Curtis, Kim Chiu, Dennis Trillo, Gretchen Ho, Bianca Gonzales at iba pang hindi na natatakot usigin ang mga lider ng bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …