Will Ashley Bianca De Vera

Fan meet nina Will at Bianca pinuno ng kilig 

MATABIL
ni John Fontanilla

WINNER na winner ang katatapos na first fan meet nina Will Ashley at Bianca De Vera o tambalang WillCa na may titulong That Fair Called Tadhana na ginanap last Wednesday (November 5) sa MetroTent Convention Center, Pasig.

Grabeng kilig overload ang hatid ng tambalang WilLCa lalo na nang isinayaw ni Will si Bianca sa awiting Lifetime.

Espesyal na panauhin at nabigay saya rin sina  Matt Lozano at ang bandang Ben & Ben. 

Bibida  ang WillCa sa Metro Manila Film Festival movie na Love You So Bad under Star Cinema, GMA Pictures, gayundin sa SRR: Evil Origins ng  Regal Entertainment.