PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA pagpasok ni direk Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 bilang mamamahala sa artist center nitong Star Workx, umaasa ang pamunuan ni MVP o Manny Pangilinan na magkakaroon na ng mas matibay na haligi ang talent center ng Kapatid Network.
“Of course we have high hopes on him because he has a great track record of discovering, mentoring and handling artists. This collaboration will greatly work for the both of us kaya sana tulungan ninyo rin kami,” pahayag ni MVP.
Wala namang nararamdamang pressure si Mr M dahil aniya, “even if the TV industry is called now as having its sunset era, mayroon at mayroon pa rin tayong dapat na gawin para sa marami pa ring TV ang libangan sa buhay. Nag-cross over na lang iyan sa ibang medium (film, music, stage etc) but basically, nasa TV pa rin sila nakikilala ng madla.”
Panahon na nga naman para magkaroon ng mga bagong sibol na iidolohin sa tradisyon ng mga Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Bea Alonzo, Enrique Gil at ilan pang napasikat nang husto ng isang Mr. M
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com