Sunday , September 29 2024

Blog List Layout

‘Tong-pats’ sa parking lumobo pa ng P1.6-B (Sa plunder vs Binay)

HINDI lang P1.3 bilyon, kundi P1.6 bilyon ang overpricing o ipinatong na presyo sa pagtatayo ng kontrobersiyal na parking building ng Makati City Hall. Ibinunyag ito kahapon ni Atty. Renato Bondal, ang abogadong nagsampa ng plunder case laban kina Vice President Jejomar Binay at anak na si Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ng Makati. Ayon kay Bondal nabisto niya ang …

Read More »

Tagapagtanggol ng katarungan ipinaaaresto ni Hagedorn

NANAWAGAN si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, sa ibang media organization na kondenahin ang pagpapaaresto ng isang maimpluwensiyang tao sa isang abogado na naglilingkod at nagtatanggol ng mga mamamahayag sa ngalan ng katarungan. Ang panghihikayat ni Yap ay kaugnay ng arrest warrant na ipinalabas ng Puerto Princesa regional trial court (RTC) laban kay Atty. Berteni “Toto” Causing …

Read More »

Bawas tax sa obrero Palasyo tameme (Hindi pa panahon — Kim)

DUMISTANSIYA ang Malacañang sa panukalang bawasan ang buwis na binabayaran ng mga manggagawa. Batay sa panukala ni Sen. Sonny Angara, dapat gawin nang 25 porsiyento ang buwis ng mga manggagawa mula sa kasalukuyang 32 porsiyento. Ngunit kinontra ito ni BIR Commissioner Kim Henares at sinabing hindi pa ito napapanahon dahil dito kinukuha ang gastos para sa serbisyo sa mamamayan. (ROSE …

Read More »

Agri-tourism inilunsad kontra-gutom

PARA labanan ang malawakang pagkagutom, inilunsad kahapon ang kampanya sa Agri-Tourism, para sanayin at linangin ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang ani at kita. Sa pangunguna ng batang negosyanteng si Antonio ‘Tony” Tiu, pormal na pinasinayaan kahapon sa Rosario, Batangas ang Sunchamp Agri-Tourism Park kasama sina Presidential Adviser on Agricultural Modernization and Food Security Kiko Pangilinan at …

Read More »

3 intsik habambuhay sa droga (Sa Parañaque shabu lab)

IKINAGALAK ng pamunuan ng PDEA ang naging hatol ng korte na habambuhay na pagkabilanggo laban sa tatlong Chinese nationals dahil sa pag-operate ng shabu laboratory sa Parañaque at pinagbabayad ng tig-P10 milyong piso ang bawat akusado. Napatunayan ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259, na guilty beyond reasonable doubt dahil sa pagpapatakbo ng shabu laboratory ang tatlong Chinese na …

Read More »

Binay LP’s presumptive standard bearer sa 2016?

INIHAYAG ni Vice President Jejomar Binay na nakatanggap siya ng impormasyong ikinokonsidera siyang i-adopt ng Liberal Party bilang standard bearer sa 2016 elections. Ayon kay Binay na magsisilbi sanang presidential candidate ng oposisyon na United Nationalist Alliance, wala pang pormal na negosasyon ang LP at sa bise presidente hinggil sa nasabing isyu. Gayunman, giit ni Binay na sa politika ay …

Read More »

Iringan ng LTFRB, MMDA ayusin (PNoy inutusan si Almendras)

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras na plantsahin ang hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mabagal na daloy ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila. Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., komplikado ang isyu dahil parehong may katwiran ang LTFRB …

Read More »

Pacman nagbuwis ng P80-M sa BIR-SarGen

GENERAL SANTOS CITY – Labis na natuwa ang Bureau of Internal Revenue-SarGen nang lumampas sa target quota na P192 milyon ang nakolektang buwis. Ito’y nang umabot sa P215 milyon ang kabuuang nakolektang buwis para sa buwan ng Hulyo. Ayon kay Venerando Homez, revenue district officer ng BIR-SarGen, malaki ang naiambag sa naturang koleksyon ang P80 milyon na ibinayad ni Sarangani …

Read More »

Vhong Navarro ‘di paaareglo

BINIGYANG-DIIN ng kampo ni actor/TV host Vhong Navarro na hindi sila makikipag-areglo sa kaso kina model Deniece Cornejo, businessman Cedric Lee, at iba pang mga akusado. Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, nagpakita lamang ang kanyang kliyente nitong Lunes sa Taguig Regional Trial Court bilang respeto sa proseso ng korte. Hindi dumalo ang aktor sa pagdinig kundi nanatili …

Read More »

Mag-anak niratrat mag-asawa patay

PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang dalawang anak nang ratratin ng hindi nakikilalang suspek habang mahimbing na natutulog sa Talakag, Bukidnon kamakalawa. Maraming tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng mag-asawang sina Roselyn Udtohan at Eric Lagenda, kapwa residente ng Brgy. Dominorog, ng nasabing bayan. Ginagamot sa Maramag District Hospital ang dalawang sugatan na anak ng mga namatay na …

Read More »

Magsasaka na-leptos sa kuhol, todas

DAGUPAN CITY – Patay ang isang 46-anyos magsasaka dahil sa sakit na leptospirosis matapos masu-gatan ng naapakang kuhol sa bayan ng Asingan, Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Noel Peralta, residente ng Brgy Cabalaitan sa nabanggit na bayan. Nasugatan sa paa ang biktima nang makatapak ng kuhol sa kanyang pagtungo sa sakahan ilang araw na ang nakalilipas. Nang magkaroon ng sintomas …

Read More »

Suhulan sa DoJ pinanindigan ng witness

NAKAHANDA ang testigo sa Maguindanao massacre case na panindigan ang kanyang mga impormasyong suhulan sa panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) upang mapalaya ang mga Ampatuan. Magugunitang sinabi ni Lakmodin Saliao na siya mismo ang nakipag-ugnayan para mabayaran ng P50 million ang mga prosecutor, partikular na si Usec. Francisco Baraan III. Si Saliao ay naging katiwala ng mga …

Read More »

Driver, pahinante sugatan Amok kritikal sa parak

KRITIKAL ang isang lalaki nang makipagbarilan sa nagrespondeng pulis makaraan barilin ang isang driver at pahinante kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang suspek na si Jon-Jon Romero, 28, residente ng R-10, Brgy. North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod, ginagamot sa Tondo Medical Center. Kusang-loob na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang pulis na nakabaril sa suspek na …

Read More »

Apo ni Atienza nag-suicide sa Anorexia (45/F ng condo dinayb)

TUMALON mula sa ika-45 palapag ng isang condominium ang apo ni dating Manila Mayor at ngayon ay party-list Rep. Lito Atienza dahil sa matinding depresyon sa lungsod ng Makati kamakalawa ng hapon. Namatay noon din ang biktimang si Andrea Georgia “Adi” Atienza Beltran, 18, ng West To-wer 1 Condominium,1 Rockwell Drive, Brgy. Poblacion, Makati City, estudyante ng Endoron Colleges, Global …

Read More »

P50-M massacre deal sa DoJ kompirmado

MISMONG ang dating tauhan ni Andal Ampatuan Sr., ang nagkompirma na nagkaroon ng P50 million deal para sa public prosecutors ng Maguindanao massacre case. Nangyari aniya ang nasabing kasunduan noong siya ay nasa panig pa ng mga Ampatuan. Ayon kay Lakmodin Saliao, siya ang naatasan noon na makipag-usap sa abogado ng kanyang amo para ibigay ang nasabing halaga. Kwento ni …

Read More »

Revilla 90-araw suspendido — Sandigan

INIUTOS na ng Sandiganbayan 1st division ang pagsuspinde kay Sen. Bong Revilla, nahaharap sa kasong plunder dahil sa pork barrel fund scam. Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st division, 90 araw o katumbas ng tatlong buwan ang suspensiyon kay Revilla. Noong nakaraang buwan, unang sinuspinde bilang senador sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile. May pagkakataon pa ang kampo ni Revilla …

Read More »

Probe vs CCT pinalagan ng Palasyo

PUMALAG Ang Malacañang sa giit ng mga mambabatas na imbestigahan ng Kongreso ang epekto ng conditional cash transfer (CCT) program. Una rito, sinabi nina Sen. Bongbong Marcos at House Minority Leader Ronaldo Zamora, walang patunay na nabawasan ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dulot ng CCT program. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mainam na mismong bumaba …

Read More »

Killer tandem pumalag sa parak tigbak

SINISIYASAT ng mga tauhan ng Manila Police District-Homecide Section ang bumulagtang riding in tandem makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa P. Burgos Dr., Intramuros, Maynila. (BONG SON) BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hindi nakilalang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis na sumita sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat ni PO2 Michael …

Read More »

Paslit pisak sa oil tanker (4 sugatan)

PATAY ang isang paslit at sugatan ang tatlong kaanak at isang kapitbahay nang ararohin ng isang oil tanker sa Caniogan, Pasig City, kamakalawa ng gabi. Naglalaro ang biktimang si Jowielyn Virania, 5, kasama ang iba pang mga bata sa harap ng isang bahay nang biglang umandar ang nakaparadang oil tanker na nag-deliver ng oil products sa katapat na gasolinahan. Ayon …

Read More »

Sarhento dedbol sa rapido (Dyowa kritikal)

PATAY ang isang pulis habang kritikal ang kanyang kinakasama makaraan paulanan ng bala ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki na lulan ng Ford Everest sa Muntinlula City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay noon din si SPO3 Rolando Lavarez, 54, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Muntinlupa City Police, residente sa Antonio Compound, Sitio Fantastic, Brgy. Alabang, Muntinlupa City. …

Read More »

Banta ni Jaafar inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang banta ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for military Affairs Ghadzali Jaafar na babalik ang kanilang grupo sa armadong pakikidigma kapag nabigo ang Malacañang na maisumite sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law draft sa loob ng isang buwan. Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mas pinakikinggan ng administrasyong Aquino sina MILF Chairman Al Haj …

Read More »

Roro tumirik sa laot 118 pasahero nagutom

SINAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 118 pasahero sa na-stranded na MV Super Shuttle Roro III sa karagatang bahagi ng Balikasag Island sa Tagbilaran City, Bohol province. Ayon kay PCG Commander Rodolfo Villajuan, mula Cagayan de Oro City at bumibiyahe papuntang Cebu City ang nasabing barko nang mawalan ng enerhiya ang makina kaya tumirik sa laot. …

Read More »

Misis sugatan sa kawatan na manyakis

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ang isang kawatan na manyakis makaraan gahasain at saksakin ang niloloobang 38-anyos ginang sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling araw. Sa follow-up operation, agad nasakote ang suspek na kinilalang si Rolando Balesa, 38, caretaker ng isang bahay sa #103 L. San Diego St., Brgy. Canumay, nahaharap sa mga kasong rape, robberry at frustrated homicide. …

Read More »

Ginang pisak sa traktora

PISAK ang isang ginang nang mahagip at pumailalim sa tractor head habang tumatawid sa Radial Road 10 sa Vitas,Tondo,Maynila, iniulat kahapon. Labas ang utak at nayupi ang katawan ng biktimang si Honey Desuyo, ng Happy Land, Vitas, habang arestado ang driver na si Philip Juanchon, 34, ng Mabini St., Pinyahan, Quezon City. Sa imbestigasyon ni SPO3 Rey Fernandez ,ng Manila …

Read More »