Monday , October 2 2023

Mison inutusan ng Malacañang magpaliwanag (Puganteng Chinese pinalaya)

MIsonHINDI pa man nasasagot nang maayos ang kasong graft na inihain sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI), pinagpapaliwanag na ng Malacañang si Commissioner Sigfried Mison sa loob ng 10 araw kung bakit misteryosong nakalaya ang isang puganteng Chinese sa kanilang Warden Facility sa Bicutan.

Inatasan ng Malacañang si Mison na sagutin sa loob ng 10 araw ang ‘misteryosong pagpapalaya’ sa puganteng Chinese na si Fu Gaofeng sa BI Warden Facility sa Bicutan.

Sa direktiba ni OP Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Menardo Guevarra, inutusan niyang magpaliwanag si Mison kung bakit naghain ng kaso laban sa kanya si BI intelligence officer Ricardo  Cabochan upang mapag-aralan ng Palasyo at madetermina kung kailangang magsagawa o hindi ng imbestigasyon.

Inakusahan ni Cabochan si Mison na tumulong sa pagpapalaya kay Fu, isa umanong matibay na kaso ng paglabag sa umiiral na Immigration law.

Kung hindi sasagot si Mison sa loob ng 10 araw, mapipilitan umano ang Malacañang na paimbestigahan si Mison kaugnay ng nasabing insidente. 

About JSY

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *