NADAKIP ng mga pulis ang isang albularyo kamakalawa makaraan gahasain ang menor de edad niyang pasyente sa Irosin, Sorsogon. Ayon sa ulat ng pulisya, nagpakonsulta ang 17-anyos dalagita sa 54-anyos albularyo nang hindi siya datnan ng kanyang buwanang dalaw. Ayon sa biktima, ipinasya niyang magpatingin sa albularyo dahil sa kakapusan ng pera. Pang-apat nang pagpunta ng biktimang si Lyka sa …
Read More »Filipino mahalagang gamitin sa hudikatura
BINIGYANG-DIIN ni retired Supreme Court Associate Justice Ruben Reyes ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa sangay ng Hudikatura. Sa ikalawang Lekturang Norberto Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino na idinaos sa Court of Appeals Auditorium, sinabi niyang mainam na gumamit ng Filipino sa mga kaso dahil nagsisimula ito sa municipal trial courts na kalimitang kinasasangkutan ng mga ordinaryong mamamayan. …
Read More »Retiradong Manila cop iimbestigahan sa Balcoba Slay
IIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang isang retiradong pulis sa Maynila na iniuugnay sa pagpatay sa kolumnistang si Alex Balcoba Sr., noong Biyernes ng gabi sa Quiapo, Maynila. Ayon kay Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, huling nakaaway ni Balcoba ang nasabing retiradong pulis noong nakaraang buwan kaya kanila nang ipinatawag para sa imbestigasyon. Na-track na rin …
Read More »Illegal recruiter binitbit sa pulisya ng 50 biktima
BINITBIT ng tinatayang 50 katao ang isang hinihinalang illegal recruiter sa Barbosa Police Community Precint sa Maynila makaraan mabigong maibigay ang kanilang mga ticket at visa papuntang Dubai kahapon ng madaling araw. Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Mayna Anip Sharip, 41, ng Maguindanao, habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si …
Read More »Mayors sa droga lagot kay Duterte
DAVAO CITY – Binalaan din ni presumptive President Rodrigo Duterte ang mga alkalde at iba pang local officials na nauugnay sa illegal drugs. Ayon kay Duterte, bukod sa mga pulis, pinaaalahanan din niya ang mga alkalde at iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan na huwag nilang isipin na dahil nasa mas mataas na silang posisyon adrug syndicate sa kanilang …
Read More »Tsinoy comatose sa suntok
COMATOSE ang isang 36-anyos Tsinoy makaraan suntukin ng isang lalaki sa panga at nabagok ang ulo nang bumagsak sa kalsada sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO2 Joseph Villafranca, ng Manila Police District-Police Station 11, ang biktimang si Kendrich David Lim, ng Martinez Leyba Compound sa 928 Benavidez St., Binondo. Habang tumakas ang suspek na si Gary Fernandez, …
Read More »Droga sinisilip sa Pasay Concert deaths (Kritikal na bagets pumanaw na)
MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang ulat na hinaluan ng droga ang mga inomin na ipinamahagi noong Sabado ng gabi sa Pasay City na ikinamatay ng lima katao. Kinilala ang mga namatay na sina Ariel Leal, 33; Lance Garcia, 26; Bianca Fontejon, 18; at isang Amerikano na si Eric Anthony Miller, 33-anyos. Ang panlimang biktima na si Ken Migawa, 18, ay …
Read More »Biker nahulog, tigok
HINDI na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila makaraan bumagsak mula sa sinasakyang bisikleta nang atakehin sa puso ang isa sa daan-daang bikers na lumahok sa “Fil-Chinese Friendship Day” biking event sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon ng umaga. Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Virgilio Pagulayan, nasa hustong …
Read More »Talent coordinator, tiklo sa swindling
ARESTADO ang isang 28-anyos lalaking freelance talent coordinator at marketing manager sa entrapment operation ng mga operatiba ng Manila Police District sa isang hotel sa Ermita, Manila kamakalawa. Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Ray Mark Amit, residente ng Bunga Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, at empleyado ng Xniper Event and …
Read More »7 Chinese, 1 pa arestado ng NBI sa anti-drug ops
NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese nationals at isang Filipino sa isinagawang anti-illegal drug operation sa magkahiwalay na lugar sa Pandi, Bulacan at Binondo, Maynila. Kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paeraphernalia) ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampagang kaso laban kay Johnny …
Read More »Robin Padilla nagreklamo sa NBI (Napikon sa basher)
PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Robin Padilla para ireklamo ang kanyang basher na nag-post sa twitter nang sinasabing kamay niya na nagpapakita na siya ay bumoto sa halalan at pinakuhaan ng retrato ang kanyang balota. Dakong 2 p.m. nang magtungo si Padilla sa NBI-Anti Cyber Crime Division kasama ang kanyang abogado na …
Read More »2 pulis kritikal sa ratrat ng tandem
KRITIKAL ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng riding in-tandem habang nagkukuwentohan sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina SPO3 Rommel Fermin Rey, nakatalaga sa Manila Police District – Police Station 4; at PO3 Joel Rosales, nakatalaga sa Northern Police District, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na …
Read More »Mayor Lim dinumog ng botante
ANG nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim ang kauna-unahang mayoral candidate na bumoto kahapon, nagtungo siya sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila dakong 8 a.m. Dinumog si Lim ng mga botante na nagsipagkamay, yumakap, nagsisigaw ng kanyang pangalan at kumuha ng retrato na kasama siya, gamit ang kanilang mga cellphone, bago at matapos niyang …
Read More »Kelot tigok sa boga
PATAY ang isang 39-anyos lalaki makaraan barilin sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Larry Galang Laygo, ng Building 10, Unit 215, Permanent Housing, Balut, Tondo. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa imbestigasyon …
Read More »Lim kumasa sa ‘guerilla style’ na caucus sa Baseco
LIBO-LIBONG residente ng Baseco ang humarang sa motorcade nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim nang magtungo siya roon para kumampanya, dahilan upang mapilitang magsagawa ng caucus, ‘guerrilla style.’ Sa gitna ng hiyawan at patuloy na pagtawag sa pangalan ni Lim, nagtipon ang mga residente sa mismong gitna ng kalsada, kung kaya’t hindi kinayang umandar ng …
Read More »Lim tapat pa rin sa Liberal
BINIGYANG-DIIN kahapon ng nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim na nananatili siyang tapat sa Liberal Party (LP) at sa presidential bet nilang si Mar Roxas na pumili sa kanya bilang kandidato para alkalde ng Maynila at ang pagtanggap ng suporta mula kay BUHAY Party-list Congressman Lito Atienza at anak na si incumbent fifth district Councilor at vice-mayoral candidate Ali …
Read More »Pahinante todas sa elevator
PATAY ang isang 21 anyos lalaki makaraan mabagsakan ng malaking bato na ginagamit na pampabigat ng elevator kamakalawa sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktimang si Mar John Solis, ng Baseco Compound, Port Area, Manila Ayon sa imbestigasyon ni Det. Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:43 a.m. nang maganap ang insidente sa isang warehouse sa 2651 T. …
Read More »Ali kay Fred Lim lang — Lito
“Walang ibang ineendoso at sinusuportahan si (vice mayoral candidate) Ali (Atienza) na kandidatong mayor bukod kay Mayor Alfredo Lim.” Ito ang mariing sinabi kahapon ni BUHAY Party-list Congressman Lito Atienza, nang kanyang gawing opisyal ang tandem ni Lim at ng kanyang anak na si Fifth District Councilor Ali Atienza, sa isang press conference, na ang ginamit na backdrop sa likod …
Read More »Lim at Atienza sanib-puwersa vs krimen at droga sa Maynila
NAGKAISA ang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim at ang BUHAY Party-list ni Bro. Mike Velarde, na kinakatawan sa Kongreso ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Lito Atienza, sa planong pagtulungan na pawiin ang lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga na namamayani ngayon sa Maynila, kaugnay ng kanilang advocacy na pangalagaan ang …
Read More »Priority wards ibabalik din ni Mayor Alfredo Lim (‘Di lang libreng serbisyo sa ospital)
TINIYAK nang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, hindi lamang mga libreng serbisyo sa lahat ng ospital ng lungsod ang kanyang ibabalik kundi ma-ging ang pagbibigay ng ‘priority wards’ para sa mga pulis, bom-bero, guro, barangay officials, senior citizens, City Hall personnel at persons with disabilities (PWDs) o mga may kapansanan. Sa isang caucus, pinapurihan ni Lim ang …
Read More »Amok nanaksak sa PCP, todas sa parak (2 pulis sugatan)
PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki makaraan barilin ng isang pulis nang mag-amok at saksakin ang dalawang parak sa loob ng police station sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang lalaking may gulang na 40 hanggang 45-anyos, 5’10 haggang 5’11 ang taas, malaki ang pangangatawan, kalbo at nakasuot ng itim …
Read More »Mayor Lim pinapurihan ng communities
PINAPURIHAN ng mga residente ng ‘depressed communities’ sa Maynila ang nagbabalik na alkalde na si Alfredo S. Lim dahil sa pagiging katangi-tanging kandidato para alkalde, na bumisita nang personal sa kanilang mga tahanan. Sa kanilang pagtanggap sa alkalde, nagpahayag nang pagkagulat at pagkatuwa ang mga residente nang makita si Lim, na taliwas sa ipinakakalat ng mga kalaban, ay nananatiling malakas …
Read More »Lim una sa debate (Erap nang-indiyan na naman)
GAYA nang dati, maagang dumating si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa nakatakdang registration at naghintay sa kuwartong para sa kanya sa nakatakbang debate ng mga kandidato para mayor na ginanap nitong nakaraang weekend sa Dela Salle University – College of St. Benilde sa Malate, Maynila. Muling binalewala at hindi sinipot ng pinatalsik na pangulo at sentensiyado sa kasong Plunder …
Read More »Pabahay at trabaho naman — Lim (Kalusugan at edukasyon ‘di na problema)
MATAPOS buhayin ang libreng serbisyong medikal at edukasyon, isusulong ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, sakaling muling mailuklok, ang programang pabahay sa matataas na gusali at trabaho sa mahihirap na pamilya. Ito ang sinabi ni Lim makaraan sabihin na hindi problema ang kalusugan at edukasyon dahil natupad na niya ito sa mga unang programa nang siya ay nakapuwesto sa ilang termino …
Read More »Bebot ngumingiti kapag sinisingil ng utang, utas sa 20 saksak ng ex-con
PATAY ang isang 21-anyos babae makaraan 20 beses saksakin ng kapitbahay dahil ngini-ngitian lamang siya kapag sinisingil sa kanyang utang sa Tondo, Manila, kamakalawa. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jorela Guerrero, ng Bldg. 17, Unit 28, Temporary Housing Aroma, Tondo. Habang arestado ang suspek na si Miguel Estrada, 33, miyembro …
Read More »