Friday , December 9 2022

Robin Padilla nagreklamo sa NBI (Napikon sa basher)

PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Robin Padilla para ireklamo ang kanyang basher na nag-post sa twitter nang sinasabing kamay niya na nagpapakita na siya ay bumoto sa halalan at pinakuhaan ng retrato ang kanyang balota.

Dakong 2 p.m. nang magtungo si Padilla sa NBI-Anti Cyber Crime Division kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rudolf Jurado, para ireklamo ng kasong ‘online defamation and use of misleading statement’ ang kanyang basher na nakatago sa user name na [email protected]_kalerqui.

Sa naka-post na larawan na sinasabing kamay ni Padilla ay may nakalagay na komentong “This is a clear violation of election law! Throw him in jail as well. No one is above the Law.”

Binigyang-linaw ng abogado ni Padilla, hindi rehistradong botante ang aktor dahil sa komplikasyong dulot ng kanyang  nakaraang ‘conviction.’

Hindi rin aniya nakakuha ng official ballot o kahit pumunta sa ano mang presinto si Padilla.

Ginawa aniya ng kanyang basher ang tweet nang walang kaukulang research na ginawa.

Hiniling ni Padilla sa NBI na matanggalan ng maskara at malaman ang tunay na pagkakilanlan ng kanyang basher para pormal na masampahan ng kaso.

Nagbabala rin si Padilla sa kanyang mga basher na nire-review na niya ang lahat ng mga walang basehan at kasinungalingan komento sa kanyang twitter para sa napipintong pagsasampa ng reklamo sa NBI.

About Leonard Basilio

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Leave a Reply