Thursday , December 1 2022

Ryle, type makapareha si Liza

00 fact sheet reggeeINILUNSAD na ang isa sa awiting nakapaloob sa album ng #Hashtags na may titulong #RoadTrip na isinulat ni Yeng Constantino sa It’s Showtime kamakailan.

Magkakaroon pa raw ng album launching ang grupo sa Mayo 21, Sabado na buo na ang awiting nasa #Hastags album mula sa Star Music.

Ayon sa grupo, sobrang saya nila dahil hindi naman nila inakalang magkakaroon sila ng sing and dance album dahil ang alam lang nila ay sasayaw lang sila ng sasayaw.

Samantala, sa 11 miyembro ng #Hashtags, isa lang daw ang may girlfriend at ‘yung 10 ay single lahat at wala sa isip nila ang magkaroon ng karelasyon dahil career muna ang prioridad nila.

At isa na si Ryle Paolo Santiago na ayaw ng may girlfriend, “mahirap po magkaroon ng girlfriend sa ganitong edad (17) kaya friends-friends lang po muna para walang stress.”

Sabi namin na ayaw kasi ng mama niyang si Sherilyn Tan, “oo ayaw ni mama, pero si daddy (Chris Tan) okay lang, support naman siya sa gusto ko pero advise nga nila na ‘wag na lang muna at na-realize ko rin po na ‘wag na nga lang din kasi stress lang at saka wala rin po akong time everyday kaming nandito (Showtime),” pag-amin ng binatilyo.

Si direk Laurenti Dyogi pala ang nagpatawag kay Ryle para mapasama  sa #Hashtags na noong una ay hindi niya sinipot dahil nga busy siya sa show nila sa #ParangNormalActivity pero ngayong pinatay na ang karakter niya ay okay na siya sa grupo.

At sa ikalawang patawag ay pumunta na siya at pinasayaw lang ng isang beses at sinabihang kasama na sa grupo.

Kaya naman nagpapasalamat si Ryle na napasama siya sa #Hashtags dahil sa exposure na naibibigay sa kanya o sa kanilang grupo ng Showtime dahil kahit saan daw sila pumunta ngayon ay kilala na sila.

Pero hindi naman niya minemenos ang #ParangNormalActivity dahil, “bida role po ako roon kaya malaking tulong po ‘yun sa akin.”

As of now ay It’s Showtime palang ang regular show ni Ryle at okay lang daw sa kanya iyon.

“Okay lang na isa para makapag-focus kasi maraming competition ngayon, kailangan ipakitang mas angat kahit paano,” katwiran ng binatilyo.

Kung bibigyan daw ng chance ay gustong maka-loveteam ni Ryle si Liza Soberano at sinabi naming hindi na puwede dahil may Enrique Gil na.

“Puwede po, triangle lang, okay lang sa akin. Maka-trabaho ko lang, okay na po ako. Pero siyempre kung gusto ko ng loveteam, si Liza talaga. Siya ang pinakamaganda sa showbiz, para sa akin po ‘yun, actually hanggang international.

“At saka masipag po siya, dati bulol siya, hindi nakaiintindi ng Tagalog, ngayon fluent na siya, tapos sa ‘Forevermore’, ‘yung dialect sa (Benguet) nakuha rin niya, magaling siyang umarte. Kaya kung ano ang eksena, madadala ka rin po niya, kaya gusto ko siya,” paliwanag ng batang aktor.

At kung papalarin daw magka-girlfriend si Ryle ay, “katulad ni Liza, pati ugali at hitsura. Pero sabi nina mama as much as possible ay avoid ko raw ang taga-showbiz kasi mahirap, ang daming competitions. Hanap daw ako ng magiging doktor, ha, ha, ha.”

Ang dream role ni Ryle, “gusto ko pong ma-try lahat, action star, comedy, leading man, lahat po, horror. Gusto kong mag-focus serious, drama.

“Sina John Lloyd (Cruz) at Echo (Jericho Rosales) ang gusto kong sundan, kasi kaya nilang mag-serious acting, mag-indi, kaya rin nilang mag-comedy, sitcom. Iba-iba po kaya nilang dalhin.”

Samantala, sa edad na 17 ay hindi mahilig sa maingay na tugtog si Ryle at mas gusto pa raw niya ang mga slow music o lumang kanta kaya tinutukso siyang lumang tao ng daddy Chris niya nang minsang magkasama silang gumimik.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply