Friday , December 9 2022

2 pulis kritikal sa ratrat ng tandem

KRITIKAL ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng riding in-tandem habang nagkukuwentohan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina SPO3 Rommel Fermin Rey, nakatalaga sa Manila Police District – Police Station 4; at PO3 Joel Rosales, nakatalaga sa Northern Police District, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang riding in-tandem makaraan ang insidente

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronald De Los Arcos, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek at nakasuot ng itim na jacket nang pagbabarilin ang dalawang biktima dakong 11:20 p.m. sa  Velasques St., kanto ng Cabangis St., Tondo, Maynila.

Nabatid, ito ang pangalawang pagkakataon na si Rosales ay binaril nang hindi nakilalang suspek.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanilang mga operasyon laban sa droga ang motibo sa insidente.

About Leonard Basilio

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Christian Gian Karlo Arca sasabak sa Manny Pacquiao Int’l Open Chess Festival

MANILA — Magtutungo ang Philippines’ chess wunderkind Christian Gian Karlo Arca sa General Santos City …

Richard Ricky Recto

May tama ng bala at nangangamoy na
EX-BATANGAS GOV., NATAGPUANG PATAY, SA KANYANG BAHAY

MAY tama ng bala at nangangamoy na nang matuklasan ng anak, pulis, at mga opisyal …

Leave a Reply