Friday , December 2 2022

Pabahay at trabaho naman — Lim (Kalusugan at edukasyon ‘di na problema)

MATAPOS buhayin ang libreng serbisyong medikal at edukasyon, isusulong ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, sakaling muling mailuklok, ang programang pabahay sa matataas na gusali at trabaho sa mahihirap na pamilya.

Ito ang sinabi ni Lim makaraan sabihin na hindi problema ang kalusugan at edukasyon dahil natupad na niya ito sa mga unang programa nang siya ay nakapuwesto sa ilang termino bilang alkalde.

Sa isang caucus kamakailan, binanggit ni Lim, sa ilalim ng kanyang plano, ang mahihirap ay bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng unit sa nasabing housing buildings sa pinakamababang presyo na titiyaking abot-kaya nila.

Dagdag niya, ipatutupad ang housing project sa ilalim ng ‘rent to own’ na sistema, o ‘yung habang nagbabayad ng buwanang renta ay magiging pag-aari sa dakong huli ang tinitirahan.

Ipinaliwanag din ni Lim, ang halaga ng isang unit ay babayaran ng aplikante nang paunti-unti kada buwan at sa oras na makompleto na ang kabuuang bayad, makukuha na ng nakatira ang titulo para sa unit at ang pag-aari ay awtomatikong maisasalin sa kanya.

Sa nasabing planong pagtatayo ng housing buildings sa lungsod, inaasahan ni Lim na lilikha nang maraming trabaho kapag naumpisahan na ang proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Lim, sino man ang magpapatupad ng proyekto, kanyang aatasan na taga-Maynila ang kukuning mga trabahador.

About Leonard Basilio

Check Also

Stab saksak dead

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang …

120122 Hataw Frontpage

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

ni Rose Novenario NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson …

illegal fishing with the use of explosives

P2-M gamit muro-ami , ilegal na huling isda nasabat sa Quezon

AABOT sa halos P2-milyong halaga ng mga fishing gear at tools ang nasabat mula sa …

Land Transportation Office LTO

Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa …

Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial …

Leave a Reply