Comelec walang delicadeza!

WALA na tayong maaninag na delicadeza sa ginagawang desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Kamakalawa, nagdesisyon ang commission en banc sa botong 6-1 pabor sa pagtanggap ng iniaalok na ‘donasyon’ ng Smartmatic — ang 1.1 million thermal paper roll at 3 million marking pens.

Pero ayon sa nag-iisang dissenter na si Commissioner Rowena Guanzon, “I believe that receiving a donation from Smartmatic who is doing business with Comelec is graft.”

Nag-iisa nga ba si Commissioner Guanzon na mayroong delicadeza sa Comelec ngayon?

Matatandaan na ang Smartmatic ay natalo sa Forms International Enterprises (FIE) Inc., nang pumasok sa bidding para sa thermal paper.

Ang FIE Inc., ay nag-alok ng P49.5 mil-yones laban sa alok ng Smartmatic na P83.6 milyon. Pero hindi pa nai-award ang nasa-bing kontrata.

Tapos ngayon, tinanggap ng Comelec ang ‘donasyon’ ng Smartmatic?!

 Ano ang tawag diyan?!

Ang delicadeza ba ay idinadaan sa pagboto?

Ano sa palagay ninyo, Chairman Andy Bautista?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com