Sunday , June 16 2024

Lim una sa debate (Erap nang-indiyan na naman)

042016 fred lim Benilde debate
EXCITED na nagpakuha ng larawan ang mga estudyante at organizers ng mayoral debate sa nagbabalik na si Mayor Alfredo Lim na ginanap sa Dela Salle University College of St. Benilde bilang souvenir bago siya bumaba sa stage pagkatapos ng debate. Gaya nang dati hindi nagpakita si Erap.

GAYA nang dati, maagang dumating si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa nakatakdang registration at naghintay sa kuwartong para sa kanya sa nakatakbang debate ng mga kandidato para mayor na ginanap nitong nakaraang weekend sa Dela Salle University – College of St. Benilde sa Malate, Maynila.

Muling binalewala at hindi sinipot ng pinatalsik na pangulo at sentensiyado sa kasong Plunder na si Mayor Joseph Estrada ang nasabing debate.

Nagpahayag ng pagkadesmaya ang mga nag-organisa dahil sa hindi pagdalo ni Estrada dahil siya umano ay busy.

Nang nagsimula na ang debate, kinamayan ni Lim ang mga dumalo na sina Rep. Amado Bagatsing at Dodos dela Cruz, faculty member sa nasabing unibersidad.

Sinabi ni Bagatsing sa mga dumalo, na sila na lang ni Lim at Dela Cruz ang pagpilian dahil sila lamang ang nagpunta, sabay banggit na wala umanong maipipresinta si Estrada na nagawa kaya wala siya roon.

Ayon kay Lim, kasinungalingan ang mga sinasabi ni Estrada na bangkarote ang Maynila nang siya ay umupo sa City Hall.

Bitbit ang kopya ng isang certification na pirmado ni city treasurer Liberty Toledo, ipinakita ni Lim na ang pondong naiwan sa kanyang pag-alis sa City Hall ay mahigit P1.5 billion.

Si Toledo ang treasurer nang umupo si Estrada at ang naturang certification ay inilabas Hulyo 4, 2013 nang makaalis na si Lim sa City Hall.

“I have the records to disprove lies being peddled that I left the city bankrupt. Somebody must be lying. Alam n’yo naman siguro kung ano ang kapatid ng sinungaling,” ani Lim.

Kinuwestiyon din ni Lim kung paanong naibigay ng lungsod ang suweldo ng may 12,000 city hall employees mula Hunyo hanggang Disyembre 2013 kung totoong iniwan  niyang bangkarote ang lungsod, at kung paano umano naibigay ng administrasyon ni Lim ang mga libreng serbisyo sa mga ospital para sa mahihirap, na inalis naman sa pag-upo ni Estrada.

Bago ito, hindi rin dumalo si Estrada sa ginanap na mayoral debate sa UP-Manila. Sa lagdaan ng peace covenant na inorganisa ng Comelec, nag-iisang dumalo si Lim.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *