Hi-profile targets nasa CP ng gun-for-hire leader

DAGUPAN CITY – Mga high profile ang target ng dalawang miyembro ng gun-for-hire group na naaresto ng pulisya sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan kamakalawa.

Base ito sa nakuhang impormasyon mula sa cellphone ng lider ng Alakdan group na si Leonilo Sarmiento, kasama si Teodoro Vicente, kapwa mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Masusi nang iniimbestigahan ng pulisya ang nakuhang mga impormasyon sa cellphone ni Sarmiento na kasalukuyan nang nakakulong.

Una rito, nahuli ang mga suspek makaraan kuyugin ng mga tagasuporta ng kandidatong alkalde dahil sa kahina-hinalang kilos sa pagsunod sa kanila habang nangangampanya.