This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BINIGYANG-DIIN ni retired Supreme Court Associate Justice Ruben Reyes ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa sangay ng Hudikatura.
Sa ikalawang Lekturang Norberto Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino na idinaos sa Court of Appeals Auditorium, sinabi niyang mainam na gumamit ng Filipino sa mga kaso dahil nagsisimula ito sa municipal trial courts na kalimitang kinasasangkutan ng mga ordinaryong mamamayan.
Kasabay nito, isinulong din ni Reyes ang pagsasalin sa Filipino ng mga batas na malapit sa taong bayan para kanilang lubos na maintindihan.
Halimbawa ang batas sa droga, illegal recruitment at proteksiyon sa kababaihan.
Ayon kay Reyes, kailangan baguhin na ang mentalidad na mahinang wika ang Filipino at ang pagiging mahusay rito ay pagiging mahina naman sa wikang Ingles
Sa katunayan, bagama’t nakasulat sa Ingles ang kanilang mga desisyon sa Korte Suprema, ibinahagi ni Reyes noong panahon niya ay wikang Filipino ang ginagamit nila sa deliberasyon.
Ibinida rin niyang si Pangulong Benigno Aquino III ay gumamit ng wikang Filipino sa halos lahat ng kanyang talumpati.
Una rito, may bersiyong Filipino ang Labor Code, Local Government Code at Rules of Court.