Monday , December 5 2022

Pahinante todas sa elevator

PATAY ang isang 21 anyos lalaki makaraan mabagsakan ng malaking bato na ginagamit na pampabigat ng elevator kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Mar John Solis, ng Baseco Compound, Port Area, Manila

Ayon sa imbestigasyon ni Det. Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:43 a.m. nang maganap ang insidente sa isang warehouse sa 2651 T. Earnshaw St., Tondo.

Nabatid na sumakay sa bukas na elevator si Solis paakyat sa ikalawang palapag ng warehouse. Nang ilabas niya ang kanyang ulo at tumingala sa itaas upang alamin kung paano umaakyat at bumababa ang elevator, biglang humampas sa kanyang ulo ang bato na na pabigat para gumana ang nasabing elevator.

Nabasag ang bungo at lumabas ang utak ng biktima na agad nalagutan ng hininga.

Masusing isinasailalim sa imbestigasyon ang insidente upang mabatid kung sino ang dapat managot.

Nabatid sa ulat ng pulisya, imbakan ng iba’t ibang prutas ang nasabing warehouse na dadalhin sa iba’t ibang pamilihan , partikular sa Divisoria.

About Leonard Basilio

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply