This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ARESTADO ang isang 28-anyos lalaking freelance talent coordinator at marketing manager sa entrapment operation ng mga operatiba ng Manila Police District sa isang hotel sa Ermita, Manila kamakalawa.
Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Ray Mark Amit, residente ng Bunga Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, at empleyado ng Xniper Event and Marketing Management.
Inaresto ang suspek makaraan magreklamo ang isang Gerome Hernandez, 19, estudyante ng De La Salle University, at naninirahan sa 2100 New Panaderos St., Sta. Ana, Manila dahil sa paghingi ng malaking halaga ng pera para mai-book ang local band na βSponge Colaβ at paghahanap ng sponsor para sa isang party event project nila sa kanilang unibersidad.
Sa ulat ni PO3 Jay-Jay Jacob, nadakip si Amit sa entrapment operation sa harap ng Waterfront Manila Pavillion sa United Nations Avenue, sa Ermita dakong 10 a.m.
Sa imbestigasyon ng pulisya, unang humingi ang suspek sa biktima ng P60,000 nitong Abril ngunit nakapagdeposito lamang ang estudyante ng P36,000 sa BPI bank bilang inisyal na bayad kay Amit para sa pag-book sa nabanggit na banda at paghahanap ng sponsor para sa kanilang school event.
Ngunit nang kausapin ng biktima ang road manager ng banda ay itinangging nakipagtransaksiyon sa kanila ang suspek at wala ring naipresenta sa kanila na sponsor.