This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SINAMPAHAN ng electoral sabotage case ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), Smartmatic at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Office of the Ombudsman.
Inihain ito ng grupong Mata sa Balota na pinangungunahan nina Rodolfo Javellana Jr., at binansagang running priest na si Robert Reyes.
Partikular na ugat ng reklamo ang sinasabing pakiki-alam ng opisyal ng Smartmatic na si Marlon Garcia sa transparency server.
Damay rin sa kaso si PPCRV chairperson Henrietta de Villa dahil hinayaan daw ang tampering na nakaapekto sa integridad ng halalan.
Ngunit para sa Comelec, sasagutin nila ang kaso at patutunayang walang dayaang nangyari dahil adjustment lamang ng ‘?’ patungo sa ‘ñ’ ang ginawa ng technical personnel ng automation service provider.